Barbie Forteza says date with Jak Roberto no big deal for their other Meant to Be co-stars

Barbie Forteza says her "date" with Jak Roberto (right) wasn't a big deal for their other Meant to Be co-stars Ivan Dorschner, Addy Ray and Ken Chan: "Hindi naman nakaapekto sa relasyon naming lima yun."

 



Nagkakaroon ng "awayan" sa social media ang mga tagahanga ng apat na loveteams ni Barbie Forteza sa GMA-7 primetime series na Meant to Be.

May kanya-kanya kasing iniidolo ang mga fans sa apat na leading men niya na sina Addy Raj, Ivan Dorschner, Jak Roberto, at Ken Chan.

Pero dahil sa lumabas na larawan nina Jak at Barbie sa social media recently, marami sa mga fans nina Addy, Ivan at Ken ang nag-react.

Read: Jak Roberto admits "date" with Barbie Forteza

Inamin din naman kasi nina Jak at Barbie na nagkaroon sila ng marathon-movie date noong nakaraang Labor Day kunsaan silang dalawa lang ang magkasama.

Kahit na sinabi nilang plano nilang isama ang mommy ni Barbie, hinayaan na lang ni Mommy Amy na lumabas si Jak at Barbie on their own dahil tiwala naman siya rito.

Kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Barbie kung ano ang rekasyon niya sa nangyari nang bisitahin namin ang taping ng Meant to Be sa Eastwood City, Quezon City noong May 31.

Ayon kay Barbie, "Nakaka-overwhelm in a way.

“Yun na nga, ganun na sila ka-hooked sa show na even yung personal lives namin, e, pinapasok na rin nila.

"Pero yun nga, medyo fault din namin.

“Since yung social media, transparent 'yan, e.

“So kung anuman ang mapalagay riyan, e, di ba?

"Pero sa amin, hindi naman nakaapekto sa relasyon naming lima yun."

Kumusta ang relasyon niya ngayon sa tatlong boys na sina Addy, Ivan at Ken pagkatapos ngang kumalat sa social media ang “date pics” nila ni Jak?

Lahad niya, "Okay naman, okay na okay naman kami.

"Actually, never naman naming na-open up ang topic na 'yan since matagal-tagal na rin naman kami sa showbiz.

“So, hindi naman ito ang first time na nagkaroon ng ganito."

CARELESS WITH DATE PICS? Diretsuhan naming tinanong si Barbie kung pakiramdam niya, parang nagkaroon din siya ng konting pagpapabaya na nai-post nila ang paglabas nila ni Jak na dahilan para "magwala" o magalit ang mga tagahanga naman ng talong loveteams niya sa tatlong lalaki ng Meant to Be?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman, siguro kasi nung time na yun na nagpu-post kami, nalimutan namin na mga artista kami, na all eyes were on us.

“Parang feeling lang namin, dalawa kaming magkaibigan na very okay...

"Na nagkayayaan lumabas, 'Okay, tara!"

Pero ano nga ba ang meron talaga sa pagitan nila ni Jak? Magkaibigan lang ba sila o sila na?

"Hindi, ang tagal na naming magkasama ni Jak," pagklaro niya.

GOOD HEADSTART WITH IVAN? Sinabi namin kay Barbie na kahit kami ay nagulat sa paglabas nila ni Jak dahil sa umpisa, sila ni Ivan ang parang mas may posibilidad na maging "real" pa nga.

Ano ang nangyari?

"Yun na nga, kasi yung ibang tao... well, hindi ko na nga maintindihan.

“Gusto ng ibang tao na maging close kami.

“Kapag naman naging close, biased daw.

"So, ano ang gusto niyo?

“Hindi ko na maintindihan.

“Gusto niyo ba na maging karinderya na talaga ako na bukas sa lahat ng gustong kumain?

“Lahat nilalandi ko? Ganun?" natatawang hirit pa niya.

Walang nabago sa kung anuman ang closeness nila ni Ivan dati?

"Wala, walang nabago," paglinaw niya.

JAK'S ADVANTAGE. Pero paano nga rin ba nangyari na si Jak ang tila nakaka-date niya ngayon?

Mula sa panonood nila ng sine hanggang sa Mother's Day na puwedeng sabihin na lakad na nilang pamilya, pero nakasama pa rin nila si Jak.

Kuwento ni Barbie, "Hindi, galing kasi kami ng mall show, sa Angeles, Pampanga.

“Siya kasi ang madaling ayain.

"Kasi after nun, maghihiwa-hiwalay na nga, celebrate ng Mother's Day.

“Nag-Viber, 'Okay, push!'

“Siya kasi madaling ayain."

SUCCESSFUL SHOW. Pagdating sa tagumpay ng Meant to Be, masaya raw siya sa magandang pagtanggap ng manonood sa serye nila.

"Sobrang saya kasi, na-fulfill namin ang expectation ng mga tao sa amin.

“Na-meet namin beyond the expectation sa amin ng mga tao.

"Kasi nga, parang may doubt ang iba na masyadong light ang material sa alas-diyes ng gabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero still, di ba, we've proved them wrong.

"Sobrang strong ng support ng mga tao sa amin.

“Nagkaroon nga ng mga kanya-kanyang teams ang mga fans.

“Nakakatuwa, kasi ganun sila ka-hooked dito," pagpapasalamat niya.

SINGAPORE SHOOT. Bukas ay lilipad papuntang Singapore si Barbie kasama ang ang apat na boys at ang gumaganap na pamilya niya na sina Keempee de Leon, Manilyn Reynes, at Sef Cadayona para mag-taping.

Sa loob ng ilang linggo ay magtatapos na ang Meant to Be.

Malinaw na ba sa kanya kung sino ang makakatuluyan niya sa apat?

Aniya, "Hindi, parang balita ko merong paandar ang GMA, parang may pa-contest."

Apat na araw sila sa Singapore at unang beses din daw niya na makararating sa naturang bansa.

LET THE FANS DECIDE. Sa isang banda, kung tatanungin siya ng production kung siya mismo ang mamimili, meron ba siyang personal choice na sana ay makatuluyan ng karakter niya na si Billy?

Maingat niyang sagot, "Kahit sino rin, kasi baka kapag sumagot ako, away na naman.

“Todo na 'ko!"

Pero kung siya lang talaga ang tatanungin, magsasalita siya?

Ingat pa rin niyang pahayag, "Hindi rin po, sasabihin ko bahala na sila.

“Siyempre, kahit paano, may vote rin sila. Kahit sabihin ko pa.

"Mas okay na rin na pagbotohan na lang para fair."


He took me to the stars and got ourselves some fine milkshakes. #hindinasiyatorpe ????

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza) on




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN