Rafael Rosell on Kris Bernal: "Dito sa Pilipinas, pagdating sa mga love scenes, yung lalaki ang nagdadala."

Rafael Rosell sees more to admire in his co-star Kris Bernal than just her acting prowess. Her abs, he says, "May lines, e. Ibig sabihin, she's a really hard worker pagdating sa workout regimen niya. She watches what she eats and she takes care of her diet."



Ang upcoming teleserye ng GMA-7 na Impostora ang unang drama series na magkakapareha sina Rafael Rosell at Kris Bernal.

Kumusta ang tandem nila?
 
“Paano ko ba ide-describe? Pangarap kasi, masyadong malalim.

“Naka-trabaho ko siya dati sa mall show, sa variety show, sa Party Pilipinas

“At napansin ko sa backstage, natatapatan ang pagka-weirdo ko, very comfortable ako sa kanya,” ang sabi ni Rafael sa presscon ng Impostora na ginanap sa GMA Building.

Mula raw noon ay naging curious na siya paano katrabaho si Kris.

Tinanong rin daw niya si Dennis Trillo na nakatrabaho rin ni Kris sa isang show.

Kuwento ni Rafael, “Sabi ni Dennis, isa siya sa mga professionals dito sa industriya.

“Noong malaman ko yun at mapanood ko rin siya sa Little Nanay

“Yung commitment niya sa character run, hindi niya binibitawan, minsan naiuuwi niya raw, na-excite ako.

“Parang, finally, makaka-trabaho ko si Kris Bernal, I wonder how our chemistry will be.”
 
Lahad pa ni Rafael, inalalayan naman daw niya ang leading lady sa mga love scenes nila sa Impostora dahil, para kay Kris, ito na nga raw ang pinaka-daring na na nagawa niya o magagawa niya.
 
Aniya, “She’s so good in all her scenes, she was so professional hindi ko napansin kung first time niya ba ‘to or hindi.
 
“Kinabahan siya sa umpisa na parang, ‘Kaya ba natin ‘to?’ 

“Kaya sabi ko sa kanya, ‘Tara, sipilyo tayo, candy tayo.

“‘Kung ano ang kailangan mong gawin para maging kumportable ka.
 
“‘Maglagay tayo ng unan, kumot, ano pa ba ang kailangan?’”

“Just make sure that she’s comfortable. I think, dito sa Pilipinas, pagdating sa mga love scenes, yung lalaki ang nagdadala, e.
 
“You have to make her trust you dahil kung hindi, makikita mo sa kilos, sa nuances niya. 

“Sobrang thankful ako na trinust niya talaga ko at hindi mo makikita ang pagkailang niya sa mga shots.”
 
Dugtong pa niya, “All in all, it’s been smooth-sailing. I’m looking forward to more intimate scenes, the crying scenes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mga away namin, yung mga intense na eksenang ganun.
 
“Kasi, ang liit ng kamay niya. Parang ang lambot. Parang, sige lang, sampalin mo ko, ‘di ba?”
 
Napansin rin ba ni Rafael na napakaliit ng beywang ni Kris.
 
“She really has a thin waist pero kung nakita niyo ang abs niya, may lines, e. 

“Ibig sabihin, she’s a really hard worker pagdating sa workout regimen niya. 

“She watches what she eats and she takes care of her diet.
 
“Para sa akin, for a woman to be like that, it’s already plus points talaga.”


 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN