Will Kris Bernal have frontal nudity in Impostora?

IMAGE From Instagram account of Kris Bernal

Kris Bernal reveals she turned down three indie films that had sexy themes.


Unang beses ni Kris na gumanap ng isang dual role bilang Impostora na sina Rosette at Nimfa.

Mahirap daw dahil naka-prostethic ang isa at noong parehong gumanda na, kailangang magkaiba pa rin ang make-up.

“Two hours siyang nilalagay and in a day, ilalagay, tatanggalin. Tapos, magga-glam make-up ako. Grabe talaga. Buti na lang hindi nagre-react ang skin ko sa pabago-bago.

“Kahit nga yung parehong maganda na, magkaiba pa rin sila ng make-up, lipstick. Magkaiba ang kulot. Hindi mo man mapapansin, pero magkaiba ang kulot ng isa. Yung damit, yung color tone.”

Pero bukod sa hitsura, ang pinaka-mahirap daw, kailangang magkaiba pa rin ng acting.

“So far hindi naman mahirap kasi, yung Little Nanay, mahirap din naman. Pero sa Little Nanay, isang character lang. Naka-pambahay lang ako lagi, walang make-up.

“Dito kasi, two different characters na iba-ibang look at the same time, iba-ibang acting.”

Ito na kino-consider ni Kris na pinaka-daring na proyekto niya sa telebisyon.

Masasabi naman daw niyang sa pagkakataong ito, gusto na niyang maipakita ang sexy at mature side niya bilang isang aktres.

“Siguro the reason why I posed also in FHM, yun din, parang I want to show something na not really daring, but something that would match my age as 28-year-old woman.

“Yung iba nga may pamilya na, yung iba, getting married na. So parang gusto kong makita rin nila na puwede na rin si Kris sa mga ganitong roles. Pwedeng maging kabit o puwedeng maging kontrabida. Kasi, parang nalilimita ako sa role na palagi akong bata. Pagtagal-tagal, nakaka-bore na rin. Paulit-ulit, e.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Kris sa ginanap na grand presscon ng Impostora sa 17th Floor ng GMA Network Building.

Bukod sa makikita siyang naka-swimsuit sa Impostora, mayroon rin siyang kissing scenes at love scenes sa leading man niya na sina Rafael Rosell at Ryan Eigenmann.

Ayon kay Kris, “Sa love scene kasi, wala akong choice. Masyadong aggressive yung character pagdating sa bed. Kailangan kong ipakita na pagdating sa bed, willing ako, aggressive ako.”

Pero kung may ipapakita na raw siyang pribadong parte ng katawan niya tulad ng breast kahit sa pelikula, hindi pa raw niya kakayanin yun.

“Hindi ko pa kaya, hindi ko pa kaya,” saad niya.

“Sa totoo lang, nang mag-pose ako for FHM Magazine, may mga inquiries ako na ganun, for indie films. Siguro mga tatlong projects yun na tinanggihan ko rin, siguro hindi ko kaya.

“Hindi pa rin, e. Kasi, talagang may showing na ng boobs. May love scenes na rin na may moaning.”

Dito sa Impostora, mayroon bang moaning o halinghing ang love scenes niya kina Rafael o Ryan?

“Meron din, pero kasi run, masyadong intense ang binibigay nila sa akin. Parang naka-focus talaga sa love scene.”

Okay lang ba sa kanya na may love scene, wala lang halinghing?

“Okay lang sa akin na may love scene, ‘wag lang sigurong ganun. At saka yung topless, hindi ko pa siguro kaya.”

Yung breast exposure, hindi lang siya ba handa ngayon or talgang hindi niya talaga gagawin kahit kailan?

Ani Kris, “Hindi, hindi ko talaga gagawin. Siguro a little cleavage pero yung talagang full, No, hindi kaya!”

Naitanong tuloy namin kay Kris kung napanood niya ba ang pelikulang Bliss ni Iza Calzado na may frontal exposure talaga.

“Talaga ba? Galing!” sabi naman niya.

Dugtong pa ni Kris, “Siguro ako, todo na ‘to or kung anuman ang nakita nila sa magazine ko, yun na talaga. Yun na ang pinaka-kaya ko talaga.

“Tiningnan ko rin ang mga feed back ng mga tao noong lumabas yun, parang gusto pa rin nila ko na very wholesome pa rin, very sweet pa rin. So, I wanna keep that. Pero siyempre, naglalabas pa rin ako ng side na ganitong side.”

Kahit naman daw nag-pose o nag-cover girl siya sa FHM Magazine, hindi naman daw niya hangad na mag-topless sa FHM Sexiest 100 kaya hindi rin naman daw siya nangangampanya.

Sabi ng Kapuso actress, “Hindi e, may mga bashers nga ako or haters na nagsasabing, o nag-pose ka pa sa FHM, wala ka naman sa Top 10. Parang ako, hindi naman yun ang point ko for posing for the magazine.

“Ang point ko naman is, gusto ko lang makita ng mga tao how far I can get. Kung gaano na ba kalayo ang puwedeng gawin ni Kris. But I didn’t post anything to vote for me, wala akong ganun na ginawa. I didn’t asked my fans to vote for me.

“Kasi, it’s not really my goal.

“And when I found out about the Top 10, it’s okay. Swerte kung nasali ka, kung hindi, okey lang din. Kasi, sa totoo lang, parang feeling ko, hindi ko rin kayang rumampa ng sexy na full time.”

Kung iimbitahan siya ng FHM sa victory party, hindi siya rarampa?

“Hindi, hindi siguro... hindi ko kayang naka-two-piece na rarampa. Pero of course, puwede naman. Kasi, napakabait naman ng FHM noong ginawa ko ang shoot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kinunsider nila ang mga shoots na kaya ko lang at gusto ng family ko.

“Pero siguro yung rampa, wala rin naman sa Top 10, siguro for me, okey lang na ‘wag na lang.”





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN