Maine Mendoza admitted she has a girl crush on Janine Gutierrez

Maine Mendoza (right) approached Janine Gutierrez's mom Lotlot de Leon to open up about her girl crush.



Aminado si Janine Gutierrez na natatakot pa rin siya kay Marc Abaya sa mga eksena nila sa GMA-7 afternoon series na Legally Blind.

Si Marc ay gumaganap bilang si William Villareal na siyang main antagonist ni Grace Evangelista na ginagampanan naman ni Janine.

“Even bago mag-take parang… bago mag-take parang talagang naghahanda siya," ani Janine.

"Tapos pag eksena pag binabraso niya ako, hindi talaga ako makawala, e!"

Sa ngayon ay puro paghihiganti na ni Grace kina William at Charie (Lauren Young) ang mapapanood sa Legally Blind.

Sinabi ni Janine na ang inspirasyon niya sa pag-arte niya sa mga “higanti scenes” ay si Sunshine Dizon.

“Peg ko si Ate Shine! Di ba ganun siya sa umpisa ng Ika-6 Na Utos, na naghihiganti-higanti siya.”

Umamin recently si Maine Mendoza na girl crush nito si Janine.

Ang nanay ni Janine na si Lotlot de Leon ay co-star ni Maine sa Destined To Be Yours.

Sa last taping day ng Destined To Be Yours ay lumapit si Maine kay Lotlot para sabihing crush nito si Janine.

Reaction naman ni Janine: “Ah, talaga? My gosh, sobrang nakakakilig!’

Ikinuwento rin daw iyon sa kanya ng mommy niya.

“Nakakatuwa!”

Hindi pa nakikilala ng personal ni Janine si Maine.

“Never pa po kami nagmi-meet, never pa.

“Pero dati sinusubaybayan ko talaga yung mga umpisa ng Kalyeserye pa lang. Wala pang Legally Blind nun, e.”

Ang Kalyeserye ang segment ng AlDub love team nina Alden Richards at Maine sa Eat Bulaga.

Ano ang reaksyon ni Janine tungkol dito?

“Nakakilig, sobrang nakakakilig po saka parang napaka-down-to-earth naman of her para sabihin niya yun kay Mama.

“So sobrang nakakakilig. Saka fan din niya ako.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN