Randy Santiago gives up GMA-7 show to be part of La Luna Sangre

IMAGE Noel Orsal

Randy Santiago recalls how he became part of La Luna Sangre, the ABS-CBN fantaserye starring Daniel Padilla and Kathryn Bernardo.



Maayos na nagpaalam si Randy Santiago sa kanyang kaibigang si Willie Revillame para iwan na ang pagdidirek sa show nitong Wowowin sa GMA-7.

Lumipat na kasi si Randy sa ABS-CBN upang maging cast member ng upcoming fantaserye na La Luna Sangre, na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

“Wala na po ako doon [Wowowin], nagpaalam na po ako nang maayos para mag-concentrate na sa aking acting!” sabay tawa ni Randy.

Pero seryoso niyang pagpapatuloy, “Maganda naman yung pagkakapaalam ko kay Kuya Wil.

“Pagkatapos, nagkataon naman na nabigyan ako ng call na, ‘Kuya Randy, puwede ka bang mag-soap?’

“Sabi ko, ‘Ha?’ Na-shock ako, e, siyempre puro kalokohan lang ang alam ko, e.

“Pero nung sinabi na kung sino yung makakasama ko, si Daniel, si Kathryn, of course to be directed by Cathy Garcia-Molina, na-shock ako.

“Sabi ko, ‘Tanungin mo sila kung gusto nila akong makasama?’

“Yun ang naging reaksiyon ko dahil natatakot ako siyempre kay Direk Cathy.

“Ninerbiyos ako, e, dahil puro kalokohan lang ang alam ko po.
“So, iyon lang po ang ginagawa ko at inaambag ko sa show, puro kalokohan.

“But I’m very flattered na nakasama ako dito sa cast kaya kung anuman yung maiaambag ko ay iaambag ko ng 100 percent.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Randy sa presscon ng La Luna Sangre sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound.


ADMIRING DANIEL. Ginagampanan ni Randy sa La Luna Sangre ang role ni Dok Sito, ang tatay-tatayan at magpapalaki kay Tristan, na ginagampanan naman ni Daniel.

Ano ang mga kahanga-hangang qualities ni Daniel para sa kanya?

Saad ng dating matinee idol, “Ang qualities ni DJ [Daniel's nickname], hindi yung pagiging artista niya, kundi yung napakabait na bata.

“Kasi alam naman natin na magaling na artista siya, sinusubaybayan din natin.

“Siyempre hindi man natin napapanood sa sinehan, pero pag nakita na natin sa Cinema One, iba talaga.

“Bago nga kami nagsimula ng first taping day, pinanood ko yung She’s Dating The Gangster nila ni Kathryn.

“Siyempre naluha ako, kaya kinuwento ko kay Direk Cathy, kinuwento ko kay DJ.

“So, to be part of this is talagang nakakatuwa.”


WORKING WITH ANOTHER DIRECTOR. Isa nga ring direktor si Randy, pero artista siya rito sa La Luna Sangre, kaya paano ba maidirek ng kapwa niya direktor?

Aniya, “Ay, siyempre pag iba ang direktor, hindi ako ang direktor doon, e. Kumbaga artista ako dito, e.

“Importante na yung artista sumunod sa direktor, kasi hindi ka naman pababayaan ng direktor mo, e, lalung-lalo na kay Direk Cathy. Kaya artistang-artista ako dito.

“Gusto ko naman maramdaman yung pagiging artista kasi masarap yung idinidirek ka ni Direk Cathy.”




ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN