Christian Bautista admits why he feels envious of Mark Bautista

IMAGE Noel Orsal

Christian Bautista is willing to leave the Philippines for an international career, and he is taking his girlfriend Kat Ramnani along. "Dadalhin ko siya…. hindi mabilis pero iyon ang mangyayari," he promises.



Ilan na sa contemporary ni Christian Bautista ang namamayagpag bilang international artists.

Si Mark Bautista ay kasalukuyang nasa Seattle, Washington, para sa U.S. staging ng Here Lies Love.

Tungkol ito sa buhay ni Imelda Marcos kung saan gumaganap si Mark bilang si Ferdinand Marcos.

Inamin ni Christian na may inggit siyang nararamdaman, “Merong konti kasi nakaka-international siya, pero with pride.

“First, he is my friend… I am proud of my friend kasi he’s doing things na none of us are doing.

“He’s performing for an American audience, he’s being reported in American newspapers.

“Who gets that? So maganda yung mga steps na ginagawa niya... Si Gerald din, 'di ba?”

Ang tinutukoy niya ay si Gerald Santos na kasalukuyang kasama sa U.K. tour ng Miss Saigon kung saan gaganap ito bilang si Thuy.

Aware ba si Christian na nali-link si Mark ngayon sa CNN news anchor na si Anderson Cooper?

Depensa ni Christian, “Ah, hindi, tsismis lang naman yun kasi idol niya yun!

“Well, hindi ko kilala si Anderson, sa picture lang,” at natawa si Christian, “pero respected si Anderson Cooper.

“Mark also, I respect him very much. Parang wala naman yun siguro.”

Kung sakali, willing ba si Christian na iwan ang Pilipinas in favor of an international career?

“Yeah! If that will take me to the next level of my career or my life.”

Paano si Kat Ramnani na girlfriend niya, “Dadalhin ko siya…. hindi mabilis pero iyon ang mangyayari.”


FIRST TIME. Busy si Christian ngayon sa teleseryeng My Love From The Star ng GMA-7 kung saan unang beses niya katrabaho si Jennylyn Mercado.

Ano ang nadiskubre niya tungkol sa Kapuso actress na ikinagulat niya?

Tugon ng aktor, “Talaga palang napakagaling niyang artista.

“To witness firsthand, parang in real life… kaharap mo ’tapos nakita mo siyang umiiyak, madadala ka talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang, ‘Wow!’ Dalang-dala ka, yung parang hindi ko kailangang umarte.

“Parang kailangang makinig lang ako sa kanya, kailangang tingnan ko lang siya, lalabas na ang emosyon ko.”

Unang beses rin ni Christian na maging direktor si Joyce Bernal.

Aniya, “Actor’s director siya, she will sit you down and work it with you until you get it… … believing that you can do it.

“And she does it lovingly! Challenging you, ‘You can do it! Oo, so i-work natin together.’

“I learned a lot from Direk Joyce.”

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN