Kathryn is asked regarding nude transformation on TV; Daniel reacts

IMAGE Noel Orsal

Are Kathryn and Daniel willing to shoot a kissing scene for La Luna Sangre?


Papayag sina Kathryn Bernardo at Daniel na magkaroon ng kissing scene sa kanilang ABS-CBN primetime fantasy series La Luna Sangre, na magsisimulang umere ngayong Lunes, June 19.

Pero depende pa rin daw sa execution ng eksena at kung kailangan talaga sa istorya.
Ayon nga kay Daniel, “Depende pa rin kung paanong mangyayari. Kung makahulugan naman yung ano [eksena], bakit hindi? Pero kung pilit, titignan natin.”

Sa side naman ni Kathryn, “Kung kailangan sa eksena talaga, basta kung kailangan sa role namin at kung magiging part din ng love story, iyon tignan natin.”

Hindi pa rin daw nila masabi sa ngayon kung posibleng magkaroon ng ganitong eksena sa fantaserye.

“Hindi pa natin masabi. Hindi pa nga kami nagkikita sa taping, e,” na ang tinutukoy ni Daniel ay ang characters nila ni Kathryn na sina Tristan at Malia.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Kathryn at Daniel sa digital conference nilang dalawa para sa La Luna Sangre na ginanap nitong Sabado, June 17, sa ELJ Building sa loob ng ABS-CBN compound.


NUDITY IN TRANSFORMATION. Ang La Luna Sangre ay pangatlong installment sa dating mga ABS-CBN teleseryeng Lobo at Imortal.

Si Angel Locsin ang naging bida sa Lobo kasama si Piolo Pascual, at sa Imortal kasama naman ni Angel si John Lloyd Cruz. Itutuloy nina Angel at John Lloyd ang mga karakter nila na sina Lia, na isang taong-lobo, at Mateo, na isang bampira, dito sa La Luna Sangre at magiging anak nila si Kathryn.

Sa tuwing nagta-transform si Angel noon sa Lobo at Imortal ay tila hubo’t hubad ang dating nito sa telebisyon. Kung mangyayari ito kay Kathryn, papayag ba siya?

“Actually, tinatanong ko rin iyan kasi hindi pa nila alam kung ano yung final na magiging ako, kung mas lobo ba ako o bampira. Hindi ko pa alam," ani Kathryn.

"Pero if ever naman for sure aalagaan naman nila kung paano yung tama pagdating sa timeslot, tapos iyon sa mga manonood, kung ano yung dapat [sa tranformation].

Basta kung ano yung hinihingi sa role, ibigay natin. At saka ang alam ko parang naka-skintone na damit naman, so safe pa rin talaga.”

Ano naman ang masasabi ni Daniel, na very protective kay Kathryn, kung sakaling sasabak ang rumored girlfriend sa ganitong eksena na parang nude ang dating ng tranformation?

“Hindi naman ipapakita iyon. Alam na nila iyon,” ani Daniel.

Sigurado naman daw siyang hindi pababayaan si Kathryn ng production team ng La Luna Sangre.

“Oo naman. At saka maipapakita naman natin sa wholesome na paraan, na walang bahid na malisya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HOW DANIEL CARES FOR KATHRYN EVEN IF THEY ARE APART. Sa ngayon magkahiwalay ng location ng taping sina Kathryn at Daniel. Kaya naman natanong si Kathryn kung paano nagpapakita ng concern si Daniel sa kanya kahit magkalayo sila?

“Tsinetsek niya ako. Parati niya akong kinukumusta, kung kumusta ako sa set, kung kumain na, uminom ng tubig. Kumusta yung mga kasama mo, ganyan. So, iyon parati niya akong tsinetsek. Mararamdaman mo pa rin yung presence niya kahit wala siya. And binibilin niya rin ako sa mga tao sa set, kaya lahat sila alaga naman sa akin. Suwerte lang talaga na may naglu-look after me.”


GOOD NEWS FOR KATHNIEL FANS. May magandang balita pa sina Daniel at Kathryn sa kanilang fans dahil maglulunsad daw ang ABS-CBN at Star Creatives ng platform kung saan posibleng maging parte sila ng La Luna Sangre.

Pagbabahagi pa ni Daniel, “Ako nae-excite ako para sa mga fans, kaming dalawa ni Kathryn pati yung cast ng La Luna Sangre dahil magkakaroon ng participation yung mga fans mismo sa pamamagitan ng iWantTV.

"Actually, hindi pa namin ipinapalabas yung platform, pero soon ilalabas na iyon. And talagang 100 percent participation yung mga fans dito sa La Luna. So, hindi lang nila mapapanood kundi mae-experience nila firsthand. First time na gagawin ito sa teleserye ng ABS-CBN. Makakasama namin sila sa set. Sa istorya ko at saka sa istorya ni Kathryn magkakaroon sila ng parte.”

So, dagdag regalo pa pala nila ito sa fans nila?

“Yes, parang giving back nga, e, iyon ang sabi nila. Para itong regalo sa mga supporters natin. Siyempre pasasalamat na rin natin,” sabi pa ni Daniel.


Stories We Are Tracking

Angel Locsin says no to comparison with Kathryn Bernardo
Angel Locsin says no to comparison with Kathryn Bernardo
Daniel Padilla admits to watching Richard G's Mulawin
Daniel Padilla admits to watching Richard G's Mulawin
See why Daniel Padilla is the hottest jeepney driver
See why Daniel Padilla is the hottest jeepney driver
Richard Gutierrez comments on support role in La Luna Sangre
Richard Gutierrez comments on support role in La Luna Sangre




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN