Vaness del Moral on being a kontrabida: "Mas fun siya kaysa maging api-apihan."

IMAGE Vaness del Moral Instagram

Vaness del Moral on dealing with bashers: "Sanay na sanay na po ako sa ganyan. Yung iba nga, they go to the extent na awayin ako sa Instagram. You could just imagine the effort na ginagawa ng mga bashers, di ba?"


Pagkatapos niyang lumabas bilang si Gurna sa GMA-7 telefantasya na Encantadia, kontrabida ulit ang papel ng Kapuso actress na si Vaness del Moral sa bagong afternoon teleserye na Impostora.

Bilang si Crisel, aapihin naman niya sa Impostora ang bidang si Kris Bernal.

Sa naging panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Vaness sa press launch ng Impostora sa GMA Network Center, sinisiguro niya na iba ang pagganap niya bilang kontrabida sa bago niyang teleserye.

“Pinag-aralan ko talaga yung character noong ibigay na nila sa akin yung role na Crisel.

“Kung ano man yung character na ginagawa mo sa previous show, kailangan ma-let go mo yun.

“Kasi baka mabitbit mo yung character dito sa bago mong character.

“It’s a good thing na halos lahat ng mga roles na nagawa ko na ay kontrabida.

“So natuto na akong magpaiba-iba.

“Mabibilang ko lang kasi sa mga daliri ko sa kamay kung ilang beses lang ako lumabas na mabait sa mga teleserye.

“I guess, mas nag-e-enjoy ako talaga sa kontrabida roles.

“Mas fun siya kaysa maging api-apihan kasi you can play with it.

“Minsan pababayaan ka ng director to create your own character.

“Kasama na roon yung mga kilos ng kamay mo, pagtaas ng kilay, yung pag-pout ng bibig mo.

“Package ‘yan e,” diin pa niya.


VAMPY VANESS. Ngayon lang daw niya ulit makakatrabaho si Kris Bernal pagkatapos ng matagal na panahon.

“Una kaming nagkasama ni Kris was in Zaido: Pulis Pangkalawakan in 2007 pa.

“Kontrabida rin ako doon.

“Pero nagkakasabay kami minsan ni Kris sa ibang guestings sa GMA-7.

“Yun nga lang, never kami nagkasama ulit sa anumang teleserye, not until dumating itong Impostora.

“Magaling si Kris dito kasi dalawa ang characters niya at kailangan magkaiba ang ipapakita niyang pag-arte.

“She’s one of the best talaga kaya sarap niyang apihin dito!” tawa pa ni Vaness.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DEALING WITH BASHERS. Inamin din ni Vaness na nakatanggap siya ng bashing mula sa maraming netizens dahil sa kanyang pagiging kontrabida.

“For sure, maba-bash at magagalit ulit sa akin ang mga tao dahil sa pag-aapi na gagawin ko kay Kris dito sa Impostora.

“Sanay na sanay na po ako sa ganyan.

“Yung iba nga, they go to the extent na awayin ako sa Instagram.

“You could just imagine the effort na ginagawa ng mga bashers, di ba?” tawa pa ni Vaness.

Ang maganda raw ay hindi pinapatulan ni Vaness ang mga internet trolls na ito dahil tinuturing na lang niya itong katatawanan.

“Parang kapag nabasa ko, matatawa na lang ako, which is yun naman talaga ang nangyayari.

“Although a lot of people naman kasi ngayon, hindi na katulad nung dati na kung ano ang napapanood nilang character, akala nila yun ka talaga.

“Alam na nila yung difference ng character doon sa totoong tao, sa totoong Vaness.

“Alam na nila ang difference nun so naaaliw na lang sila.

“Ngayon, parang ang serious nila. Hindi na nila mahiwalay yung totoo sa hindi.

“So minsan, parang gusto mong ipaalala sa kanila na trabaho lang po ito, umaakting lang kami kaya walang personalan po,” lahad pa niya.



Stories We Are Tracking

Impostora cast members: THEN AND NOW
Impostora cast members: THEN AND NOW
Will Kris Bernal have frontal nudity in Impostora?
Will Kris Bernal have frontal nudity in Impostora?
Kris Bernal:
Kris Bernal: "Tinry naming mag-touch sa sensitive parts."
Kris Bernal on love scenes:
Kris Bernal on love scenes: "Mas yummy si Rafael Rosell!"





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN