Ivan Dorschner tops online poll among four Meant To Be leading men

IMAGE Noel Orsal

Ivan Dorschner sees the ending of Meant To Be as just the beginning of something good. He explains, "I'm excited… sa next part. Kapag nakasakay po tayo sa roller coaster, hindi tayo nag-iisip kung ano ang nangyayari. Palaging paharap lang, looking forward sa lahat, at alam ko, maganda ang preparation ng GMA."



Sa huling balita namin, si Ivan Dorschner daw ang nangunguna sa kanilang apat nina Addy Raj, Jak Roberto, at Ken Chan sa ginawang online poll ng GMA-7 teleserye na Meant to Be.

“Mapagkumbaba na paliwanag ni Ivan, “Well, online is ilang porsiyento lang ‘yan ng vocal na public.

“Siyempre, may mga iba na hindi nagsasalita at yung mga naging vocal lang, yun yun. 

“Uulitin ko lang, yung vote, para malinaw is for promo purposes only, yun na yun.”

So hindi raw iyon ang basehan kung sino sa kanilang apat sa Meant To Be ang pipiliin ni Barbie Forteza sa final episode ng teleserye sa Biyernes, June 23.
 
Handa ba si Ivan sakaling hindi siya ang mapili?
 
“Opo, opo naman,” mabilis niyang sagot, “nandoon na ang notion na may pipiliin.
 
“Meron na rin pong masusundang istorya.”

Nagbigay rin ng mensahe si Ivan sa mga tagahanga nila na hindi maiwasang mag-away-away dahil may kanya-kanyang gusto na makatuluyan ni Barbie sa teleserye at pati na rin sa totoong buhay nito.
 
Aniya, “Dapat pong maging passionate sa mga mangyayari. kaya lang, huwag tayong mag-away-away. 

“Matatapos din ang MTB,  kahit na anong mangyari, matatapos ‘yan, may matatalo na tatlo.
 
“Well, hindi naman matatalo kasi, sa bawat isang hindi pipiliin, siyempre, may kapantay ‘yan na mangyayari sa kanila.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ivan sa ginanap na thanksgiving ng Meant to Be sa PBA Cafe, Metrowalk noong June 14.  

 
NOTHING ROMANTIC. Sa kabilang banda, marami sa mga fans at maging ilang showbiz insiders ang nakakapansin dati sa pagiging sweet nila Ivan at Barbie sa isa’t isa.

Tila may nabago lang raw nang lumabas ang mga larawan nina Barbie at Jak sa social media. 

Ilan naman sa mga fans ni Ivan ang nadismaya na hindi pala sila ni Barbie.
 
Paglilinaw ng actor, “Well, social media amplified and augment everything—in pictures, kung ano ang nasasabi ng mga fans. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung ano ang napapansin sa screen, yun din ang napapansin sa social media.”
 
Is there really nothing special between him and Barbie?
 
“There’s something special—working relationship, friendship— and that’s important.

“If anything, kapag nakasama mo ang tao almost every day, 24 hours a day na walang stop.

“Kahit saan ka tumingin, parang nandiyan siya, you’ll gonna develop a very strong friendship with everyone.

“Pati mga staff namin, ang close namin talaga.”
 
Nothing romantic?
 
“Well, diskarte po yun ng bawat performers, mga kasama, pati po kayo, nagkaka-gusto rin kayo sa mga co-workers niyo.

Na kahit slight, konti lang. Meron din po nun sa amin.
 
“Kaya yung mga eksena namin, ine-encourage nila ang mga ganyang feelings, ganyang situwasyon.”

Bago nga magtapos ang Meant to Be, nagkaroon ng pagkakataon na mag-taping ang buong cast sa Singapore. 

Isa raw ito sa mga naging bonding moments nilang lahat, “I would do it again and again,” pagbabahagi ni Ivan.

“Sobrang saya, nakapag-ikot pa kami ng mga tindahan, mga outlets.  

“At ang yaman ni Jak Roberto!” natawang pambubuko niya sa co-star.
 
“Grabe, oh my goodness, grabeng kamahalan ang binili niya.”


LOOKING FORWARD. Para kay Ivan, higit pa raw sa inaasahan niya ang nangyari sa kanya bilang isa sa apat na leading men ni Barbie sa Meant to Be.
 
Bulalas niya, “Sumobra po sa expectation ko… sumobra pa, humigit pa, talagang gumanda siya ng husto.”
 
Magtatapos na ang teleserye nila, ganoon pa rin pakiramdam ni Ivan?
 
“Actually, parang pangalawang beses na po akong tinamaan ng feeling. 

“Hindi naman lungkot, parang ano siya—alam niyo po yung pag-start ng roller-caster?

“Yung first na pag-upo ninyo, paglagay ng harness, yun ang parang first.
 
“Depende kasi sa disposisyon ng tao kung handa ka sa mangyayari,” masaya pa rin niyang sagot.
 
Nakahanda naman daw kasi siya at looking forward sa mga maaari pang mangyari sa kanyang career.
 
“I’m excited… sa next part,” lahad ni Ivan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, kapag nakasakay po tayo sa roller coaster, hindi tayo nag-iisip kung ano ang nangyayari.

“Palaging paharap lang, looking forward sa lahat, at alam ko, maganda ang preparation ng GMA. 

“Tulad dito, pagsi-zip, pagha-harness, maganda rin ang preparation ng GMA sa aming apat.”
 

LIFE AND WORK BALANCE. Wala pa raw sa plano ni Ivan ang manligaw o magkaroon ng ka-relasyon, “Medyo going against the grain sa aking work ethic.

“Ayokong ihalo ang aking love life sa work.

“Pero yun nga, kapag hindi ko na mapigilan, hindi ko na mapigilan.”
 
Kino-kontrol niya lang pala ang emosyon niya?
 
“Well yes, sa ngayon po, masyadong biglaan. Sa lahat ng nangyari sa Meant to Be, sa binigay sa akin ng GMA.

“Kaya nag-uusap kami ng management, kahit na anong mangyari sa project, sa love life, sa life ko sa Los Angeles, kailangan balanse ako.
 
“Kailangan hindi muna ko magde-decide ng malalaking desisyon, na maging balanse muna ko.”
 
 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN