How does Janice de Belen feel about working with ex-boyfriend Gabby Concepcion?

IMAGE From @kapusoprgirl

Janice de Belen on working again with ex-boyfriend Gabby Concepcion: "It's been more than thirty years so parang feeling ko, may excitement pa bang involved dito. Ngayon siguro because we are more mature, it's even a better experience to work with each other."



Ipinagtataka ni Janice de Belen na “parang big deal sa lahat” ang muling pagtatambal nila ni Gabby Concepcion sa isang proyekto pagkatapos ng maraming taon.

Labingtatlong taong nanirahan si Gabby sa Amerika bago muling nagdesisyon na bumalik sa Pilipinas at muling mag-artista noong 2008.

“Since he came back, ito lang,” kuwento ni Janice tungkol sa pagbibidahan nila ni Gabby na episode ng Magpakailanman na "May Forever: The Ariel Cruz and Julieta Manuel Story."

Mapapanood na ito ngayong Sabado, June 24.

Natural lang naman na ma-excite ang lahat dahil balik-tambalan nina Janice at Gabby na dating magkasintahan noong mga teenagers sila.

Yun din ang panahon na pinagkaguluhan ang kanilang love team.

“Nakaka-pressure, nakaka-nerbiyos… kasi ang feeling ko ang laki-laki ng expectations nila.

“It’s been more than thirty years so parang feeling ko, may excitement pa bang involved dito,” at tumawang muli ang aktres.

“Saka ang feeling ko, siguro kasi in my mind parang ang tanda na namin ni Gabby para sa ganitong…

“Baka mamaya kung  ano ang ine-expect nila, di ba, so may nerbyos ng konti.

“Apart from the fact na for the past how many years, wala naman akong ginagawang may anything romantic sa mga shows.”

Iba ito, kasi nga Gabby-Janice.

“May nerbiyos, may nerbiyos talaga kasi parang nanganganay ako!

“Kaya ko pa bang gawin ito, wala nga kong dyowa so papaano ba itong gagawin ko,” at muling tumawa si Janice.

Sa panunuksong guwapo pa rin ni Gabby, “Matagal na yun!” ang mabilis na reaktion naman ni Janice.

But, seriously speaking, “We work together, which I appreciate very much,” aniya.

“Sabi ko nga, kahit na noon, okay kami nag-work together, e.

“Ngayon siguro because we are more mature, it’s even a better experience to work with each other.”  


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN