Is Jak Roberto out to win the heart of Barbie Forteza for real?

Is Jak Roberto out to win the heart of Barbie Forteza for real? "Friends kami. Bilang ganito ang sitwasyon namin, ayokong masira dahil liligawan ko siya. Ang hirap mag-expect. Akala mo yun na, yun pala ganun lang talaga siyang makisama. Tingnan natin, hindi ko naman po kinu-close," he says.



Ngayong gabi na malalaman sa June 23 finale episode ng primetime series na Meant to Be kung sino na nga ba ang makakatuluyan ni Barbie Forteza bilang si Billie. 

Nang magkaroon ng thanksgiving ang GMA-7 teleserye, lumalabas na marami pala sa cast ang boto kay Jak Roberto bilang si Andoy.
 
Siya raw kasi ang bukod-tanging Pinoy sa apat.
 
“Oo nga, e!  Nagulat ako, sobra,” ang masayang reaction ni Jak.

“Kinilig ako noong naririnig ko na pinupulsuhan nila ang tao rito, na maraming Team Pinoy.
 
“Si Pawie nga, Keempee de Leon, hindi ko alam na Team Pinoy yun kasi si Ethan ang sinusuportahan niya sa show. 

“Si Mamay [Manilyn Reynes] at triplets, alam ko ‘yan, Team Andoy. 

“Pero hindi ko rin alam na pati sa mga kaibigan nating press people, may mga Team Andoy pala.
 
 “Sa totoo lang, wala na sa amin kung sino ang makatuluyan. 

“Wala na kaming magagawa run, kung ano ang itinakbo ng istorya, yun na ang kalalabasan po. 

“Kinabahan lang ako noong sinabi nilang may mae-eliminate munang dalawa.”
 
After Meant to Be, posible raw na bumalik at mapanood siyang muli sa Bubble Gang muna.


TEAM REAL. Ano naman itong mga lumalabas sa social media at bali-balitang may “team real” sa pagitan nila ni Barbie?
 
“Pare-parehas kami,” tanggi naman ni Jak.
 
“Ako lang ang nahuling naging ka-close ni Barbs.

“Sinabi ko nga sa kanya, ngayon lang kami nagkaroon ng chance na magka-bonding. 

“Nagkaroon ng chance na manood kami ng sine.”
 
At silang dalawa pa rin ang magkasama noong Mother’s Day kasama ang mga magulang ni Barbie.
 
“Isa pa ‘yan, pero mall show yun, usually kasi, nagdi-dinner after ng mall show.”
 
Hindi ba niya sinasadyang masolo si Barbie?
 
“Hindi po, hindi po... although si Tita Amy [Forteza], Team Andoy. 

“Nakakatuwa kasi siya yung nag-iimbita sa amin, siya ang aliw na aliw.”
 
Pero, on- and off-cam nga ba sila?
 
“Off-cam, wala.  Mas more on on-cam kasi friends kami. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung meron man, normal lang naman... hindi naman kami nag-uusap na kami-kami lang.

“It’s either group ng Meant to Be or production staff.”
 
Ano ang hinahangaan ni Jak kay Barbie? 
 
Sagot niya, “Kilala naman po natin si Barbie na para siyang sponge, ang bilis niyang mag-absorb.

“At bilib ako sa kanya kung paano siya makisama sa mga tao.

“Para sa akin, yun ang unang-unang bagay na hinangaan ko sa kanya.
 
“Mabilis patawanin ‘yan at yung pagiging approachable niya.

“Hindi siya mahirap pakisamahan at yun ang gustong-gusto ko sa isang tao.”
 
So posibleng may ma-develop sa kanilang dalawa?
 
“Bilang ganito ang sitwasyon namin, ayokong masira dahil liligawan ko siya. 

“Ang hirap mag-expect.  Akala mo yun na, yun pala ganun lang talaga siyang makisama.
 
“Well, tingnan natin, hindi ko naman po kinu-close,” nakangiting sabi niya.
 
 
MOMMY’S FAVORITE? May favorite rin daw ang Mommy ni Barbie at sa kanilang apat, lumalabas na siya.
 
Ayon naman kay Jak, “Hindi, noong una, ganun din siya kay Ethan [Ivan Dorschner].

“Kasi mas unang nag-bonding si Ethan at saka si Barbie. 

“Sumunod si Ken [Chan].  Si Jai [Addy Raj].”

Kuwento pa niya, “Ugali po ni Tita yun, nagpi-picture siya ng behind-the-scene.

“Kahit before, ginawa niya rin kay Ivan yun. Ganun siya ka-expressive.

“Kapag hindi ka niya gusto, sasabihin niya rin sa ‘yo.

“Like before, sinabi niya sa akin ayaw ko sa ‘yo. 

“Ganun lang daw talaga siya para ma-express niya ang feelings niya.
 
“Pero kapag gusto niya rin ang tao, sinasabi niya rin.”
 
Pero ang mas pinagkasunduan daw nila ng Mommy ni Barbie ay sa kaniya-kaniyang pets nila. 

“Yung aso niya at ang pusa naman ng mga ito.”


SPENDTHRIFT. Unang biyahe sa ibang bansa ni Jak nang tumulak ang cast ng Meant To Be sa Singapore para mag-taping.

“Ang babait ng mga Pinoy sa Singapore, tinour nila kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sobrang na-enjoy naming ang mga views, ang mga lugar, mga hawkers, kainan.

Kaya naman siya sa kanilang lahat ang may pinaka-maraming nai-shopping.

“First time, unang bansa ko yun na napuntahan,” masayang kuwento niya.

“Mahilig nga akong mamili ng damit and, lately, nawiwili ako sa pagbibihis.
 
“Nakikita ko sa social media ang mga street wears at parang gusto ko lang na mag-style-style sa sarili ko. 

“So yun po, sobrang na-enjoy ko po ang Orchard at hindi ko pa nalibot ang buong mall.”
 


Stories We Are Tracking

Who will Barbie choose in MTB: Ken or Ivan?
Who will Barbie choose in MTB: Ken or Ivan?
Ivan Dorschner tops Meant To Be online poll
Ivan Dorschner tops Meant To Be online poll
Barbie:
Barbie: "Sana hindi ako matandaan bilang malanding tao."
Meant To Be extended from 6 weeks to 6 months due to ratings
Meant To Be extended from 6 weeks to 6 months due to ratings






WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN