Elisse and McCoy react to those saying that they are just using each other

Elisse Joson: "Kahit may mga nagdududa sa closeness namin ni McCoy, sa tingin ko wala na kaming dapat i-prove."




Palakas ng palakas ang McLisse love team nina Elisse Joson at McCoy de Leon.

Mula nung nagkakilala at tila nagkamabutihan sina Elisse at McCoy sa Pinoy Big Brother Lucky Season 7 ay sunud-sunod ang dating ng blessings sa kanila.

Napasama sila sa cast ng isang teleserye ng ABS-CBN, at ayon sa dalawa, malapit silang mag-taping para dito. May balita din na maglalabas sila ng libro sa ilalim ng ABS-CBN Publishing.

Sa ngayon, ang pinagkakaabalahan ng dalawa ay ang single nila na “If We Fall in Love” at ang music video nito na malapit nang mapanood sa MYX.

Ayon kay McCoy, kahit na marami silang proyekto ni Elisse ngayon, hindi nila hinahayaang lumaki ang ulo ng isa’t-isa.

“Hindi kasi ganun ang tingin namin sa sarili namin, na malakas na ang hatak namin sa tao. Para sa akin, imbis na yun ang isipin ko, iniisip ko na marami pa kaming dapat matutunan pagdating sa industriya. Uhaw na uhaw pa ako na matuto.”

May mga nagsasabi na ginagamit lang nina Elisse at McCoy ang isa’t-isa para sumikat. Ang iba naman ay sinasabing hindi daw totoong close sila o may namamagitan sa kanila.

Ano ang masasabi nila tungkol dun?

“I think everything happens for a reason. It was destined to happen this way, para makatulong kami sa isa’t isa,” ani Elisse.

“At the very beginning, we didn’t plan to work together. It just happened. And yung level of closeness na nabuo sa amin dahil sa PBB, that happened naturally din. Hindi din namin siya pinilit o pinlano.

“Siguro yun yung nakikita ng mga tao, na we’re just being ourselves. Kung paano kami on-cam, ganun din kami off-cam. Kahit may mga nagdududa sa closeness namin ni McCoy, sa tingin ko wala na kaming dapat i-prove, kasi the way we act around each other is how we normally are. Kahit wala kami sa ABS, kahit wala kaming work, kapag may time, nagkikita pa rin kaming dalawa,” dagdag ni Elisse.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para naman kay McCoy: “Nung nasa loob kami ng Bahay ni Kuya, inaasar-asar lang kami sa isa’t-isa kaya nagulat kami paglabas namin na meron palang ganun, na may McLisse love team na pala.

“May mga blessings at challenges na dumating, hinarap namin lahat ng yun. Siguro pag nakikita kami ng mga tao, they think it’s easy, pero it’s more than that, sa totoo lang. Kailangan talaga magtulungan kaming dalawa ni Elisse.

“Kaya yung mga accusations na ganun—na peke ang closeness namin, na ginagamit ko lang siya, o ginagamit niya lang ako—hindi na namin iniisip yun. Wala na kaming time isipin yung mga ganun kasi hindi naman totoo.”

Dagdag ni McCoy, nakakatulong talaga sa pag-arte niya yung namumuong closeness nila ni Elisse, lalo na nung nagkasama sila sa “Laptop” na episode ng Maalaala Mo Kaya kamakailan.

“Ginagamit ko siyang motivation,” sabi ni McCoy.

“Halimbawa, kung may experience kaming dalawa na medyo parehas dun sa situation nung scene, advantage yun sa amin kasi hindi namin kailangan humugot ng napakalalim. Nandun na yung emosyon, e. Hindi na mahirap ilabas, lalo na’t kumportable na kami sa isa’t-isa.”

Dahil ba kumportable na sila sa isa’t-isa, ibig sabihin ba nun handa na sila Elisse at McCoy kung sakaling magkaroon sila ng kissing scene sa susunod nilang proyekto?

“Siguro step by step,” sagot ni Elisse.

“Kasi wala pa naman kaming naging project na sa amin lang talaga, or yung kami talaga yung bida. Paunti-unti kaming nag-le-level up pagdating sa mga projects. So siguro yung mga romantic scenes, uunti-untiin din namin yun. Mahirap naman kung lumaktaw kami ng step.”

“Hindi pa namin masasagot yan kasi wala pa kami doon,” dagdag nicCoy.

“Siguro kapag nandun na kami, pag may project na kami na kailangan yung mga ganung eksena, saka na namin yun iisipin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero kung ano man ang ibigay sa amin, we would be happy to accept it.”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN