Thea Tolentino claims she never hid relationship with Mikoy Morales

IMAGE Noel Orsal

Thea Tolentino on her relationship with Mikoy Morales: "Actually, hindi naman po namin tinatago. Actually, alam n'yo."


Ipinagtatanggol ni Mikoy Morales sa mga bashers ang kasintahan niyang si Thea Tolentino.

“Oo, isang beses,” sabi ni Thea.

“Parang inano niya... sabi niya, sasampalin niya daw sila.

“Sasampalin ni Mikoy yung bashers.

“Tapos, yung iba kinonek kasi siya naman si Roxy, e.

“Si Roxy sa Pepito Manaloto patola,” sabay tawa ni Thea.

Itinutukoy niya ang gay role na ginagampanan ni Mikoy sa long-running GMA-7 comedy serye na Pepito Manaloto, kunsaan mapagpatol ang karaker ni Mikoy bilang si Roxy.

DOESN'T MIND SUPPORTING ROLES. Samantala sa Haplos naman ay kontrabida si Thea kina Sanya Lopez at Rocco Nacino.

Gumaganap naman si Thea dito bilang si Lucille.

Ang Haplos ang bagong GMA-7 Afternoon Prime dramaserye na papalit sa D'Originals.

Wala raw kaso kay Thea kahit na sumusuporta lang siya sa ibang artista sa mga teleserye sa telebisyon, tulad ng pagsuporta niya sa isang maituturing na baguhang tulad ni Sanya.

Lahad niya, “Okay naman, tuluy-tuloy naman ang trabaho ko.

“At saka ano, matagal na rin naman kaming magkakilala ni Sanya, friends kami.”

Nagkasama sila dati sa The Half Sisters.

LOVE LIFE. Samantala, kinumusta rin namin ang love life ni Thea.

“Okay naman po,” sagot niya.

Nakatulong ba na finally ay inilantad na nila ni Mikoy sa publiko ang relasyon nila?

Pagklaro niya, “Actually, hindi naman po namin tinatago. Actually, alam n'yo.”

Kahit na sinabi niyang hindi nila itinago, hindi rin naman kasi sila umamamin.

October of last year lamang sila nagsimulang maging vocal tungkol sa relasyon nila.

“Alam n'yo din naman,” natatawang ulit ni Thea.

Mas nakatulong ba sa career ni Mikoy ang pagiging open nila tungkol sa relasyon nila?

Dahil dito, puwede na silang lumabas on dates, o kaya'y mag-post ng photos nila sa social media.

Giit ni Thea, “Lumalabas naman po kami, wala po kami actually talaga tinatago.

“Bahala kayo kung anong makita n'yo, basta… lumalabas lang kami, ganun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WORKING TOGETHER? Wish ba ni Thea na magkasama sila ni Mikoy sa isang teleserye na sila ang magkapareha?

Pagbalik-tanaw niya, “Dati sa Maynila.

“Nung una weird! Parang… parehas kaming nahirapan.

“Nung una.”

Paano kung serye na matagalan?

“Ang weird! Hindi ko ma-imagine.”

Weird iyon para kay Thea?

“Sa amin, nung una.”

Bukod kina Sanya, Rocco at Thea ay nasa Haplos rin sina Pancho Magno, Francine Prieto, Emilio Garcia, at si Miss Celia Rodriguez.

NOT YET READY FOR SEXY PICTORIALS. Hindi pa nagse-sexy pictorial si Thea para sa FHM.

Kahit offer raw ay wala.

“Wala! Hindi naman po ako seksing pang-FHM,” bulalas ni Thea.

Kung may offer?

Tanggi niya, “Ngayon, hindi.

“Siguro pag confident na ako sa katawan ko.”

Hindi naman niya sinasabing ayaw niya.

“Ayokong magsalita nang tapos.”

Kung sakali raw ay paghahandaan niya.

Paliwanag niya, “Kasi parang... siyempre, kasi kunyari sinabihan ka na posibleng maging kiyeme ka ng FHM, ay mamo-motivate ka.

“May motivation ka.”

Si Mikoy, halimabawang rarampa sa Cosmo Bash ng hubad at naka-briefs, papayagan ba ni Thea?

“Oo, e di na-motivate siyang mag-gym. Bahala siya!” at tumawa si Thea.

Kahit raw ang gay roles ni Mikoy ay walang kaso kay Thea.

“Oo, okay lang.”

Nag-bading na si Mikoy sa Pepito Manaloto at D’ Originals na parehong napapanood sa GMA, pati na rin sa Bubble Gang.

Gay din ang role ni Mikoy sa indie movie na 4 Days kasama si Sebastian Castro.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN