Veteran actress Elizabeth Oropesa: "GMA-7 has been so good to me."

IMAGE File photo

A 44-year veteran in showbiz, Elizabeth Oropesa is very impressed at Kris Bernal's acting prowess. She says about Kris Bernal: "Nakakagulat yung range niya as an actress."


Pitong taon ding hindi nakagawa ng teleserye sa bakuran ng GMA-7 ang premyadong aktres na si Elizabeth Oropesa.

Huling teleserye ni La Oropesa sa Kapuso network ay ang Beauty Queen na pinagbidahan noon ni Iza Calzado noong 2010.

Ngayon ay balik-Kapuso si Elizabeth via the GMA afternoon teleserye, Impostora.

"Oo nga, ang tagal ko palang nawala sa GMA-7.

"After kasi ng Beauty Queen, sa ibang networks ako naging busy.

"I did a two teleseryes for ABS-CBN 2 and one for TV5.

"Alam mo naman tayo, hindi naman tayo exclusive sa anumang network, kaya kung sino ang may trabaho para sa atin, doon muna tayo.

"But GMA-7 has been so good to me. Kahit na matagal ako hindi gumawa sa kanila, kinukuha pa rin nila ako mag-guest every now and then.

"The last guestings I did was with Karelasyon at Imbestigador.

"I truly appreciate yung pagpapahalaga nila sa akin," pahayag pa ni Elizabeth nang makapanayam namin siya sa presscon ng Impostora sa GMA Network Center kamakailan.

IMPRESSED AT KRIS BERNAL. Sa Impostora, gaganap si La Oropesa bilang si Denang, ang adoptive mother ni Nimfa na ginagampanan ng Kapuso actress Kris Bernal.

"It’s my first time to work with Kris sa isang teleserye.

"Actually, halos buong cast, first time ko makasama kaya nakaka-excite for me kasi bago lahat.

"Nakakabilib si Kris kasi alam ko ang hirap ng may prosthetics sa mukha. Pero nakakaarte pa rin siya nang tama.

"Kris is very, very good here at nakakagulat yung range niya as an actress for somebody her age.

"Parang ang dami na niyang pinagdaanan sa buhay," diin pa niya.

Thankful naman si Elizabeth na napasama siya sa mababait na cast.

"Wala akong naging problema with the rest of the cast kasi napaka-professional nilang lahat.

"Sa buong cast nga, ako lang ang pinaka-senior sa lahat. At nakakatuwa na magagalang ang mga baguhan na ito sa tulad ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako naman kasi, 44 years na tayo sa industriya. Nakatrabaho ko na ang iba’t ibang mga artista. But I’m happy na nandito pa rin tayo and these new generation of stars ay nakikilala pa rin tayo,” pagtapos pa ni Ms. Elizabeth Oropesa.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN