Duterte supporter Elizabeth Oropesa has message for celebs-turned-politicians

Unlike other local celebrities who have been appointed to government posts because of their political support, veteran actress Elizabeth Oropesa stresses, "Sa lahat ng ayoko yung malalagay ako sa puwesto dahil supporter ako. Gusto ko malagay ako sa puwesto dahil qualified ako."



Tinanong namin ang aktres na si Elizabeth Oropesa kung ano ang masasabi niya sa mga artista o celebrity na tinanggap ang mga posisyong inialok sa kanila ng pamahalan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“E, pagbutihan lang sana nila ang kanilang trabaho.

“Sana magtanung-tanong dun sa mga nakakaalam talaga para hindi pumapalpak.

“Kasi let’s face it, hindi lahat maayos, one hundred percent.

“Kasi hindi naman nila trabaho 'yan, e.

“Na-appoint lang,” natatawang pahayag ng beteranang aktres sa prescon ng Impostora sa 17th floor ng GMA Network Center.

NOT AFTER ANY GOVT. POST. Kilala bilang masugid ni Duterte supporter, si Elizabeth daw kasi ay tatanggi sakaling alukin o i-appoint sa isang puwesto sa gobyerno.

Diin niya, “Sa lahat ng ayoko yung malalagay ako sa puwesto dahil supporter ako.

“Gusto ko malagay ako sa puwesto dahil qualified ako.

“Iyon lang naman yung akin and at this point I don’t need it.

“I paint, I’m a diver, I’m still in showbusiness, I’m a doctor, so you see, I’m busy.”

IMPRESSED WITH KRIS BERNAL. Sa Impostora, madalas kaeksena ni Elizabeth (bilang si Denang) si Kris Bernal, na gumaganap naman bilang Rosette/Nimfa.

Puring-puri ng aktres si Kris.

Pagmamalaki niya, “She’s very good! She’s really good.

“Alam mo nagulat ako dun sa batang yan.

“Ang dami kong kaeksena kasi, ang dami ko ng nakasamang mga bata; ito si Kris, my goodness, she can act!

“I hope she gets something [award] from Impostora kasi yung dalawang roles na ganyan ang hirap niyan!

“Ang isa pang kinagulatan ko si Assunta, kasi ganyan yung mga roles ko before.

“Good and bad, at the same time.”

Gumaganap naman si Assunta de Rossi sa Impostora bilang si Trina.

Patuloy ng veteran actress, “May reason kung bakit siya bad, and she’s also good, oo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang galing din niya palang maging kontrabida.

“Ang hirap kayang magkontrabida.

“E, yung role ni Kris, kontrabida/bida.”

MOTIVATING HER CO-ACTORS. May pressure ba sa kanila na ang sinusundan nilang show ay napakalakas, ang Ika-6 Na Utos sa Afternoon Prime ng GMA.

“Let me tell you this, ang pressure napakalaki, hindi lang… lalo na sa akin kasi ang dami kong awards, e.

“So ine-expect ng tao, madadala ko,” at tumawa si Elizabeth.

“Pati direktor, dadalhin ko, sasabihin sa akin ni direk, ‘O, tulungan mo na 'yan! Kailangan mabitbit mo pag medyo mababa.’

“Kasi merong ganung eksena.

“Kunyari tayong dalawa ang magkaeksena, pagkatapos hindi… kailangan hindi kita mataasan, kailangan magka-level tayo, walang sapawan.

“So, iaangat mo nang iaangat yung kaeksena mo, ganun yun.

“Mahirap para sa akin actually. Nahihirapan akong magdala ng mababa yung ano,” at tumawa ang aktres.

“Hindi mo maiiwasan yun sometimes, siguro pagod, o hindi masyadong maganda ang memory, may mga nakakaeksena akong ganyan.

“E, siyempre mataas ang expectation ko sa memory dahil sa tanda kong ito hindi pangit ang memory ko.

“So pagka bata ine-expect ko mas maganda ang memorya,” at muling tumawa si Elizabeth.

“E, pagka nakakalimot sila, iyon medyo nahihirapan ako nang kaunti dun.

“Sasabihan ko, ‘Ayusin mo, pag-aralan mo kasi. Para maganda ang kalabasan dahil magkasama tayong dalawa sa eksenang iyon.'

“'Ang pangit naman na kainin kita ng buhay.’”

Ang Impostora ay sa direksyon ni Albert Langitan.



Stories We Are Tracking

Director on Impostora remake:
Director on Impostora remake: "Move para idiin ang kalaban."
Elizabeth Oropesa:
Elizabeth Oropesa: "GMA-7 has been so good to me."
Impostora cast members: THEN AND NOW
Impostora cast members: THEN AND NOW
Kris Bernal:
Kris Bernal: "Tinry naming mag-touch sa sensitive parts."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN