Here's why Elmo and Janella will no longer be part of Kung Kailangan Mo Ako

IMAGE Julian Mauricio

Elmo Magalona and Janella Salvador reveal why they will no longer be part of the ABS-CBN teleserye Kung Kailangan Mo Ako.


Nang matapos ang Born for You, ang unang teleserye na pinagbidahan nina Elmo Magalona at Janella Salvador, tila nalungkot ang mga tagahanga nila.

Nabuhayan sila ng loob nung inanunsyo ng ABS-CBN na kasama sina Elmo at Janella sa cast ng teleseryeng Kung Kailangan Mo Ako. Ngunit inamin ng ElNella love team sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hindi na sila kasama sa upcoming series.

“Maraming nabago sa show, like yung cast at kwento,” ani Elmo sa digital conference ng Bloody Crayons.

Paliwanag naman ni Janella: “Sa latest version, ibang-iba na yung roles naming dalawa from what they were before. That’s why it was decided na hindi na kami tutuloy because doing so wouldn’t be beneficial for the show or us.”

Last March, in-announce na tampok sina Eula Valdes, Mylene Dizon, at John Estrada sa Kung Kailangan Mo Ako.

Si Joshua Garcia sana ang makakasama ng ElNella sa TV series na pagbibidahan rin ng McLisse love team nina McCoy de Leon at Elisse Joson & NLex tandem nina Nash Aguas at Alexa Ilacad.

Hindi man kasama ang ElNella sa Kung Kailangan Mo Ako, may iba pang aabangan ang mga fans nina Elmo at Janella.

Bukod sa pelikulang Bloody Crayons ng Star Cinema, kasalukyang ginagawa ng dalawa ang My Fairy Tail Love Story ng Regal Films, kung saan gaganap si Janella bilang isang sirena.

Nagkaroon nga lang ng konting aberya sa production ng My Fairy Tail Love Story nang bumitaw ang orihinal nitong direktor na si Jun Lana. Pumalit naman sa kanya ang filmmaker at producer na si Perci Intalan.

“Actually, Direk Jun would have loved to direct our film pa rin kasi siya yung nagsimula and it’s mostly his concept, pero hindi na rin niya kinaya. Hindi naging madali itugma yung schedule namin ni Elmo sa schedule niya,” ani Janella.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“The good thing here is Direk Perci is someone that Direk Jun trusts,” dagdag ni Elmo. “Bale si Direk Perci lang ang hahawak sa amin ni Janella habang wala si Direk Jun.”

Ayon kay Janella, kaabang-abang ang My Fairy Tail Love Story dahil iba siya sa lahat ng pelikula at teleserye tungkol sa mga sirena.

“Di ba usually pag tungkol sa mermaid ang isang project, yung bida victim ng sumpa kaya siya naging mermaid? This time it’s different because I’m actually a human. I only become a mermaid because I did something, and that’s all I can say for now.”

Enjoy si Janella sa paggawa ng My Fairy Tail Love Story kasi nakakapag-swimming siya, pero inamin niyang medyo mahirap suotin yung costume.

“Matagal ilagay yung prosthetics. The first time I shot a mermaid scene, I fell asleep while they were putting the prosthetics on. Ganun katagal. Siguro mga two to three hours ang inabot nung buong process.”

Naging close na sina Elmo at Janella dahil mahigit isang taon na sila bilang love team.

Handa na ba silang sumabak sa kissing scenes?

“Even if the story of our next project calls for us to do something like that, I think hindi pa namin gagawin. It’s not the right time,” ani Janella.




Stories We Are Tracking

Eula Valdes returns to ABS-CBN; joins 1st McLisse teleserye
Eula Valdes returns to ABS-CBN; joins 1st McLisse teleserye





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN