Why did GMA-7 replace Spanky Manikan in My Love From The Star?

Gil Cuerva says he will miss Spanky Manikan (in photo) aka Mr. Jang in My Love From The Star.



Sa hindi inaasahang pangyayari ay kinailangang iwanan ng character actor na si Spanky Manikan ang GMA-7 primetime series na My Love From The Star.

Gumaganap si Spanky bilang si Mr. Jang, ang matalik na kaibigan ni Matteo Domingo (Gil Cuerva) na siyang nakakaalam ng lahat ng lihim ni Matteo.

Health problems ang dahilan ng pag-alis ni Spanky sa Philippine adaptation ng Koreanovela.

Dahil sa kanyang karamdaman ay kinailangang magpahinga ng mahusay na aktor kaya kahit labag sa kalooban nito na bitiwan ang programang napamahal na sa kanya ay wala itong nagawa.

Bago pa nagsimula ang taping ng My Love From The Star, matinding tuwa at excitement ang naramdaman ni Spanky na mapabilang sa isang malaking proyekto tulad ng My Love From The Star.

Kaya naman tinanggihan nito ang iba pang offers dahil nais niya na mag-concentrate sa Kapuso series na pinagbibidahan ni Jennylyn Mercado.

Dahil siya ang madalas na kaeksena ni Spanky, matinding lungkot ang nadama ni Gil.

Ayon kay Gil:

"I think working with Tito Spanky is one of the best things that can happen to a new actor such as myself. He’s a man with so much wisdom and being the newbie that I am, I was always looking for someone I could ask questions from, get advice from and he was the perfect person to give me a lot of advice, a lot of tips.

"Ultimately, he is really a great actor to have scenes with and even though the time we spent together wasn’t that much, he somehow has been a mentor to me when it comes to acting. Sir Spanky, get well soon, we miss you. And I hope that our paths will collide again in the future.”

Isa pang nalungkot sa pag-alis ni Spanky sa show ay ang aktres na si Glydel Mercado na gumaganap na Lynelle Chavez sa show.

“Si Tito Spanky, as a co-actor, siyempre alam nating lahat na napakagaling niyang aktor talaga. Ang galing niyang ka-eksena, madali siyang katrabaho kasi alam niya lahat ng gagawin niya once na dumating siya sa set. Tito Spanky, hope you get well soon and we’re praying for you and may God bless you always,” pahayag pa ni Glydel.

May mensahe rin si Gabby Eigenmann, ang kontrabidang si Jackson Libredo sa My Love From The Star para sa veteran actor.

"Tito Spanky, get well soon and I pray that you get better any time soon. Of course umaasa ako na makatrabaho parin kita and it’s always a joy to be working with you. Mahal ka namin,” sinabi pa ni Gabby.

Ang pumalit kay Spanky ay ang isa pang mahusay na character actor na si Mr. Crispin Pineda at naniniwala naman ang GMA na tulad ni Spanky ay kaya ring bigyan ng hustisya ni Crispin ang papel bilang Mr. Jang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN