Kris Bernal thankful for high ratings of Impostora pilot episode

IMAGE Screengrab from GMA-7

Kapuso actress Kris Bernal on Impostora pilot episode: "Nagulat na lang ako na nag-trending kami first spot and nakuha na rin namin yung rating."


Very thankful ang Kapuso star na si Kris Bernal dahil sa magandang turnout sa ratings ng pilot week ng pinagbibidahan niyang afternoon teleserye sa GMA-7 na Impostora.

Nagsimulang umere ang Impostora noong July 3 at nag-trending sa social media ang pilot episode nito, pati na rin ang mga sumunod pang episodes.

Para kay Kris, worth it ang matagal na paghihintay nila na ma-air ang Impostora dahil bukod sa pag-trending nito, maganda pa ang feedback na natanggap niya mula sa netizens.

“Ang ibang nagti-tweet sa akin ay parang biglaan lang nakapanood, pero nagustuhan nila.

“Nagulat na lang ako na nag-trending kami first spot and nakuha na rin namin yung rating.

“Naku, thank you, Lord!” pahayag pa ni Kris sa kanyang naging interview sa GMA NewsTV program na Balitanghali noong nakaraang July 7.

DUAL ROLE. Hindi nga naman madali ang ginampanan na dual role ni Kris sa Impostora.

Bilang si Nimfa at Rosette, kinailangan ng aktres na magbigay ng magkaibang style sa pag-arte para mailabas niya ang magkaibang personalidad ng ginagampanan niyang characters.

“Ang talagang nae-excite ako, kahit ako gusto ko makita.

“Yung tuwing nagkakaharap yung dalawang characters na pareho yung mukha, pero magkaiba yung ugali,” diin pa ni Kris.

LOOKING FIT AND FAB. Bukod sa magandang pagganap ni Kris sa dalawang characters sa Impostora, hinahangaan din ang aktres sa pag-alaga nito sa kanyang katawan.

Bagama’t petite, gustong ma-achieve ni Kris ang isang fit na katawan.

Sa kanyang Instagram account, pinu-post ni Kris ang resulta ng kanyang dibdibang workout.

Pinagmalaki pa ng aktres na meron na siyang abs na matagal na niyang nais na ma-achieve.

Pati ang kanyang mga arms at likuran ay well-toned na.

Pagdating naman daw sa diet, hindi iniiwasan ni Kris ang kumain ng carbs at sweets.

Pero mas marami raw ang intake niya ng protein.

Pero sa kabila ng lahat ng ito, hindi pa rin tinatantanan si Kris ng ilang bashers at body shamers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dedma na lang daw si Kris sa mga ito.

“Hindi naman masama ang loob ko sa mga pamba-bash nila.

“Masyado lang silang mabilis mag-judge.

“Makakita lang sila na ganito ang picture or ang lighting or ang angle, akala nila sobrang payat na ako.

“Akala nila haggard na ako.

“Hindi ko na lang pinapansin kasi mas kilala ko ang sarili ko and I’m happy with my body now,” pagtapos pa ni Kris Bernal.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN