Mark Anthony Fernandez teams up with Heart Evangelista in "Luna Mystica"


"About the leading man, siyempre thankfulako. Pero siyempre, alam ko na may konting pressure ro'n. I have to live up tothe expectation. Kaya naman ako, ensayo nang ensayo. Para maging ready lang akopalagi at hindi naman sila mapahiya sa akin," says Mark Anthony Fernandez about being regarded as one of the top leading men of GMA-7.



Wala na ngang makapipigil pa sa muling pagbango ng showbizcareer ni Mark Anthony Fernandez. Hindi pa man natatapos ipalabas ang Ako si Kim Samsoon, may kasunod na agad na primetime seriespara sa kanya ang GMA-7.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Marksa first birthday ng anak nina Tanya Garcia at Mark Lapid na si Mischa Amidala noongLinggo, September 21.

"Ang susunod kong soap, Luna Mystica," pagbabalita ng aktor."Ang alam ko, it's a telefantasya with Heart Evangelista. Hindi ko pa nga langmasyadong alam kung remake ba yung Luna Mystica or bago, kasi title pa lang angnasabi sa akin. Hindi ko pa rin alam yung story.

Sinasabi palagi ni Mark na gusto niya, laging bago anggagawin niyang character.

"Naiisip ko nga yung fantasy, kasi yung Narnia napanood ko.Sabi ko talaga, sana makagawa ako ng telefantasya. Tamang-tama naman, ‘eto maygagawin nga ako. Hindi ko nga lang alam kung gaano siya ka-fantasy," saad niya.

Bukod sa Ako Si Kim Samsoon ay napanood din si Mark saImpostora at Kamandag.

First time din niyang makakasama sa isang project siHeart.

"Ang alam ko, magaling naman na artista si Heart andine-expect ko na isang magaling na artistang Heart ang makakasama ko. At saka,siyempre, yung makakakita ka ng isang magandang Heart Evangelista," saad niMark.

Sa pagkakaalam ni Mark, sa October sisimulan ang taping ng Luna Mystica.

SECOND WIND. Aminado si Mark na naging malaking tulong sa kanya angpagganap niya bilang Cyrus sa Ako Si Kim Samsoon. Masasabingmas bumango ang pangalan niya, and the role even elevated him as a romantic leading man.

"Siyempre, super-thank you ako sa GMA sa tiwalangibinibigay nila sa akin. Nang dahil doon, naaalala ako ng mga tao," sambit ngdating miyembro ng Guwapings.

Naging positive naman daw siya noon na makababalik pa rinsiya. Pero aminado siyang hindi niya inakala na magiging ganito pa rin kainitang pagtanggap sa kanya ng publiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang hindi ganito," sabi niya. "Ako naman kasi, angnaiisip ko rin, hindi pa naman ako nagpi-peak. Pero siyempre, hindi ko rin alamkung darating pa yun or kung kailan darating. Basta ako lang, palagi langakong thankful. Pero oo nga, hindi ko rin akalain na darating pala.

"Yung sa Kim Samsoon, feeling ko, para bang naambunan ako ngkonting fans ni Ms. Regine Velasquez. Yung mga fans na nag-iidolo sakanya, idol na rin ako ng konti. Parang dumami ng konti yung fans ko."

Silang apat na raw ngayon nina Richard Gutierrez, DingdongDantes, at Dennis Trillo ang puwedeng sabihin na top leading men ng Kapusonetwork. Ano ang nararamdaman ni Mark sa label na yun?

"Sobrang natutuwa!" bulalas niya. "Siyempre, kahit na masmatanda ako ng konti sa kanila... Ay, gusto ko palang linawin, lumabas doon saMetro HIM magazine na 30 years old na ako, e, hindi pa naman ako 30 yearsold. Nagkamali yung quote, pero aminado din naman yung editor. I'm only 28."

Patuloy ni Mark, "About the leading man, siyempre, thankfulako. Pero, siyempre, alam ko na may konting pressure ro'n. I have to live up tothe expectation. Kaya naman ako, ensayo nang ensayo. Para maging ready lang akopalagi at hindi naman sila mapahiya sa akin."

MARK AS A FAMILY MAN. Sa lahat ng magagandang nangyayari ngayon sa career niya,kumusta naman ang pagsasama nila ng asawa niyang si Melissa? Hindi ba itonaapektuhan, lalo na ngayong busy siya sa kanyang showbiz career?

"Strong naman kami at may mga instances na lalong tumitibayang pagsasama namin. Pero kahit may mga ganito naman, understanding naman siya.Iniintindi naman niya ang sitwasyon ko.

"At saka, minsan nga, hindi na siya sumasama. Let's say, maymga babaeng fans, hindi na lang siya sumasasama para raw yung mga fans, hindinaman na masyadong mailang kung may mga lalapit man," lahad ng aktor.

ON HIS FATHER'S DEATH. For a while, pinipilit na rin ni Mark na hangga't maari,huwag na lang masyadong magkuwento tungkol sa namayapa niyang ama na si RudyFernandez. Ito na rin marahil ang kanyang paraan para makapag-move on.Pero nang makausap siya ng PEP, halatang relaxed lang si Mark to talk about hisfeelings magmula nang mamatay ang kanyang ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas okey na ba siya ngayon?

"Hindi, e, parang hindi. Hindi talaga. Hindi ko alam kungnasaang state of mind ako ngayon, kung nasaan ako sa buhay ko ngayon. Okey,alam ko na nagtatrabaho ako. Kung buhay si Papa ngayon, ‘tapos walang problema,talagang ang ganda-ganda na ng nangyari!

"Pero since nawala nga si Papa, parang hindi ko alam kunganong emotional side ba ako. Kung happy ba ako or sad ako, or kung ano ba angdapat kong maramdaman. Pero sa lahat, mas nararamdaman ko pa rin ang lungkot,"pag-amin ni Mark.

Sa tingin ba ni Mark ay masaya ang kanyang ama sa mganangyayari sa kanya ngayon?

"Oo, maraming nagsasabi sa akin. At naiisip ko rin naman,alam ko na magiging happy siya dahil nakikita na niyang I can stand up on myown two feet. Maayos naman ang trabaho," pahayag ng panganay na anak ni Daboy.

Nararamdaman naman daw niyang gina-guide pa rin siya ng ama niya.

"At saka bukod doon," dagdag ni Mark, "pati yung mga friendsniya, ang babait sa akin, like sila Tita Lolit [Solis], alam kong nandiyan langsila. Alam kong mahal na mahal nila ako at ayaw nilang may mangyaring masama saakin.

"Ayaw nila na masyado akong ma-pressure. Kahit yung mgataga-GMA, yung pag-alaga sa akin, kahit noong time na kakamatay lang ni Papa... Ihad to tape right after, parang alam ko na nandoon si Ms. Regine, na kailangankong galingan.

"Noong mamatay si Papa, hindi ko alam kung paano ako makakabalikng trabaho. Imagine, magpupuyat ka, ‘tapos ang dami mong iniisip. Maynangyari rin na isang instance, antok na antok na ako, pero hindi akomakatulog. Although ngayon naman, nakakatulog na ako unlike before. At saka iniisip ko rin yung sinabi ng isang boss namin na, ‘Gawin mo lang angpangako mo, gagawin naman namin ang pangako namin.'"

Pero natawa si Mark nang tanungin namin kung sinoyung boss na tinutukoy niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Secret! Pero from there, kapag naiisip ko yung quote nayun, kapag inaantok ako, kapag naiinis na ako... Isipin n'yo, one week after ngdeath ng papa ko, pumunta ako roon [taping]. Siyempre, hindi naman perfect satrabaho, maraming aberya. Yun na lang palagi ang iniisip ko at naginginspirasyon ko."

Hindi raw siya regular kung dumalaw sa puntod ng ama.

"Ginagawa kong very special yung pagdalaw ko ro'n. Hindipalagi, hindi panay-panay. Pero kapag pumupunta ako, I make sure na heartfelt,"sabi niya.

Totoo bang ang bahay raw ng Papa niya sa White Plains ay sakanya ipinamana?

"Yung ibinigay sa akin, yung unang-unang bahay ni Papa.Tinirhan din yun ng mama ko [Alma Moreno] noong sila pa. Tinirhan din nila niTita Lorna [Tolentino, Daboy's wife] noon. Sa ngayon kasi, may nagre-rent pa. So siguro, bakanext year, matitirhan ko na," pagtatapos ni Mark.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN