Yul Servo recalls trying drugs in the past; slated to star in series about drug war

Manila 3rd District Rep. Yul Servo is happy that he still manages to pursue his passion for acting despite his government duties: "Siyempre passion ko itong pag-arte, nabawasan lang yung trabaho dun di tulad dati na wala akong iniisip na iba kungdi tumanggap ng tumanggap ng trabaho."


Visible na muli si Manila 3rd District Representative Yul Servo sa ilang TV shows at mapapanood sa series na eere sa Cignal TV, ang Tukhang, na tumatalakay sa buhay ng mga taong sinira ng droga.

Paano pinagsasabay ni Congressman Yul ang pagiging kongresista at pagiging isang artista?

Kuwento niya, “Ang kagandahan naman sa akin, mayroon akong staff na magagaling na talagang trusted ko na maski wala ako.

“Makakapagtrabaho ang opisina namin, makakatulong sa mga constituents namin.

“Pangalawa, sa showbiz career ko, si Direk Maryo [J. Delos Reyes], siya pa rin ang manager ko.

“Siya pa rin ang namimili kung ano ang tatanggapin ko na proyekto at sasabihin ko naman pag kaya ko.

“Siyempre passion ko itong pag-arte, nabawasan lang yung trabaho dun di tulad dati na wala akong iniisip na iba kungdi tumanggap ng tumanggap ng trabaho.

“Ngayon di na ako masyadong nakakatanggap ng trabaho pero lately nakasingit ako ng Tukhang saka Kiko Boksingero sa Cinemalaya.

“Di naman ako nasi-zero, nakakagawa pa rin ako.”

“Kasama ako dito sa Tukhang, bale kinuha ako ni Ate Joan Banaga, nakakatuwa na nakasama ako dito.

“Series siya, ako yung hitman, isa ako sa pumapatay pag inuutusan na hindi nagbabayad ng droga.”

FIRST-HAND EXPERIENCE WITH DRUGS. Ilan sa mga artista ay umamin na natuksong gumamit at nalulong sa pinagbabawal na gamot na laganap sa showbiz.

Inamin naman ng actor/politician na gumamit siya ng droga nang isang beses, pero wala pa siya nun sa showbiz at di na niya ito inulit dahil alam niya ang masamang epekto nito.

Pagbabalik-tanaw niya, “Nung kabataan, siguro nung high school ako, pero isang beses lang.

“Nung natikman ko, di maganda.

“Di siya maganda sa katawan.

“Ang na-experience ko lang sinasabi nila di nakakakain daw.

“Nung natikman ko naman nakakain naman ako ng maraming champorado.

“Wala pa ako sa showbizness, estudyante pa lang ako nun, high school.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ay hindi, ayaw ni Direk Maryo ng ganun.

“Nung pagpasok ko kasi nun, marami sa mga kapwa artista ko nun na pag nag-drugs, nawawalan ng trabaho.

“Napaka-strikto ni Direk pagdating diyan.

“E, ako lang naman isang tao na gustong mag-artista tapos sasamahan mo pa ng kabalustugan.

“E, ano pa ang mangyayari sa akin?

“Nung pagpasok ko kay Direk, matagal na yun, kasi college na ako nung pumasok ako kay Direk Maryo, e.

“High school ako nung natikman ko yun.

EVALUATING THE ONGOING ANTI-DRUG CAMPAIGN. Dahil Tukhang ang titulo ng series ni Congressman Yul sa Cignal TV, hiningi namin ang reaksyon niya kung sa palagay ba niya ay epektibo ba ang programa na ito ng gobyerno.

Lahad niya, “Yung tokhang naman, kinakatok naman nila, warning para magbago.

“Maganda naman yung programa na yun, na-ano lang siguro yung tokhang kasi pag sinabi mong na-tokhang, papatayin ka na.

“Sa tingin ko hindi naman, kasi pag nagbago ka, bibigyan ka ng gobyerno ng chance.

“Ang problema kasi sa mga kababayan natin, makukulit.

“Na-warningan na, babalik pa rin.

“Parang nasabihan na sila, bumabalik pa rin sila.”


CINEMALAYA 2017. Bukod sa Tukhang, kasama rin si Yul sa Cinemalaya 2017 entry titled Kiko Boksingero. 

Gaganap dito si Yul bilang tatay ng child actor na si Noel Comia Jr. Ang coming-of-age drama film na ito ay bahagi ng 13th Cinemalaya na gaganapin mula August 4-13, 2017.

RUNNING FOR HIGHER OFFICE? Masasabing maganda ang track record ni Yul sa pulitika.

Nagsimula siya bilang konsehal, at mula roon ay nagsikap at nanalo naman bilang kongresista.

May plano ba siyang tumakbo para sa mas mataas na posisyon sa susunod na eleksyon?

Pag-amin niya, “Sa ngayon wala pa muna, magpopokus muna ako para palakihin, pagandahin muna yung pundasyon ko bilang isang lingkod bayan dito sa distrito.

“At least, na-prove ko naman sa pagiging konsehal ko na yung pundasyon ko napaganda ko at nakarating ako dito sa kongreso.”



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN