Did Gabbi Garcia ask management to break up GabRu love team?

IMAGE Jocelyn Dimaculangan

Gabbi Garcia sympathizes with GabRu fans who were disappointed to learn that she won't be part of Alyas Robin Hood 2: "Siyempre andun yung mga reactions, natural. Ako I feel for them also. From day one, sinuportahan nila kami ni Ruru."



Nagkaroon ba ng violent reactions ang mga fans nina Gabbi Garcia at Ruru Madrid nang malaman nilang hindi na sila magkasama sa Alyas Robin Hood 2?

“Siyempre andun yung mga reactions, natural.

“Ako I feel for them also.

“From day one, sinuportahan nila kami ni Ruru.

“Pero happy naman sila with Sunday PinaSaya, every week.

“At least, yun regular.

“Kahit before kaming nag-Encantadia, kahit nung tapos na ang Encantadia, nasa Sunday PinaSaya pa rin kami, so okay naman sila,” sagot ni Gabbi.

Si Ruru lang kasi ang kasama sa upcoming GMA series at si Gabbi ay hindi.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabbi sa YES! Magazine’s 100 Most Beautiful Stars event sa Luxent Hotel sa Quezon City noong July 11.

Kasama sina Gabbi at Ruru sa list sa kategoryang Network Bets.

OPEN TO BEING PAIRED WITH OTHERS. Papayag ba si Gabbi kapag ipinareha siya sa ibang leading man?

Lahad niya, “Depende yun sa management, e.

“Kung ready na talaga silang i-explore yung path…

“Right now, hindi ko alam kung ano ang character ni Ruru sa Alyas [Robin Hood 2] kung may ka-pair ba siya.

“I don’t really mind.”

NO JEALOUSY. Si Solenn Heussaff na ultimate crush ni Ruru ay kasama rin sa Alyas Robin Hood 2.

Hindi ba ito pagseselosan ni Gabbi?

“Ay, Solenn naman yun,” at tumawa si Gabbi.

Very vocal si Ruru sa pagsasabing crush nito si Solenn.

“Oo naman,” sambit ni Gabbi.

“Vocal rin naman ako na crush ko si Zac Efron,” at tumawa ang Kapuso actress.

FIGHTING FOR GABRU FANS. Hindi raw totoo na si Gabbi ang humiling sa GMA-7 na buwagin na ang GabRu.

Natatawa niyang lahad, “Grabe naman yung humiling!

“Unang-una sa lahat, since day one, napaka-loyal ko sa GabRu.

“And alam po ng fans namin yun.

“And kahit nung na-pair na siya kina Kylie [Padilla], kung kay Arra din sa Encantadia, I make my own ways to comfort the fans, to give them assurance na kami pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, ewan ko kay Ruru.”

NOT JEALOUS OF MAUREEN. Hindi rin daw siya nagselos sa larawan na magkasama sina Ruru at Maureen Wroblewitz na winner ng Asia’s Next Top Model.

Nagkita kasi ang dalawa sa GMA at nagpakuha ng litrato si Ruru kay Maureen.

“Ay, ang ganda!

“Pride naman kasi ng Pilipinas si Maureen. Grabe naman talaga.

“Kahit naman ako, hinahangaan ko siya also,” diin niya.

STILL HUMBLE. Nilinaw naman ni Gabbi ang intriga na lumaki na ang ulo niya.

Gulat niyang reaksyon, “Ako, lumaki ang ulo ko?

“Kasi ganyan naman lagi, e.

“Lagi naming may masasabi tungkol sa iyo, e.

“Kahit ano ang gawin mo.

“So ako as long as yung mga taong nakakakilala talaga sa akin e assured sila na ako pa rin ito, wala namang problema.

“Ganun talaga, e. Ganito yung industriya, e.”

FLATTERED. Ano naman ang masasabi niya na pangatlong beses na siyang nakasama sa list ng YES! 100 Most Beautiful Stars.

Aniya, “Siyempre it’s flattering, sobrang nakaka-flatter po...

“Na since iyon nga, pang-third year ko na ngayon, and sana many more to come.

“Ang sarap lang sa pakiramdam na isang gabi nagme-merge lahat ng network, na magkakasama kayong lahat in one place.”

Sino ba ang excited siya na makilala o makita mula sa ibang TV networks?

“Parang nakita ko na namang lahat.”

FRIENDS WITH KATHNIEL. Kahit daw ang nanguna sa list na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ay dati na naman niyang kakilala.

Sabi niya, “Di ba, friend ko si Kath, e.

“Saka nagka-commercial na kami dati ni Daniel.

“Ano pa lang ako nun, kaka-sign ko pa lang yata sa GMA, nene pa ako nun, e.

“Daniel na siya nun.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN