Paolo Bediones explains why he turned down offers after sex scandal

Paolo Bediones co-produced his own musical show titled Good Vibes with Paolo.



Bukod sa pagiging isa sa Content Producer ng isa sa mga programa ng CIGNAL Entertainment, si Paolo Bediones din ang nagsilbing host nang ilunsad noong July 12 sa EDSA Shangrila Hotel ang mas pinalakas na CIGNAL Entertainment.

Sa pagkakataong ito, hindi siya host kung hindi producer ng kanyang sariling musical show na para raw sa kanya, isa sa matagal na rin niyang gustong magawa.

Ayon kay Paolo, “Siguro ano siya, fulfilment of a dream to actually produce content. To have people learn about my passion for music and to be able to promote O.P.M.

“Once in a while I will play, I will guest in different musical shows. I don’t sing. I just play the guitar and the piano but I have immense passion for it, e.

“Itong January, I decided why not gamble and spend on a high quality production, not knowing where it’s gonna air but my intention was online. Then when I presented it to Cignal, I was pleasantly surprised that they were very receptive.

“Ang nangyari, after one meeting, two meetings, yun na. I went through the whole process of conceptualizing, producing and writing, hosting and together with a lot of bands.

Twelve O.P.M. bands ang tampok sa unang season ng musical show niya titled Good Vibes with Paolo.

Partner raw siya ngayon sa Cignal pagdating sa pag-produce ng musical show. Mas pang-long term investment itong tinitingnan ni Paolo.

Sabi nga niya, “Medyo mabigat sa simula. Dapat malalim ang bulsa. Pero para sa akin, ang matupad ko ang pangarap ko, mas nangibabaw run, e.

“I’m glad that I’m at this point in my life na puwede kong magsugal. Nakita ko naman na babalik. And when that happen, I can do another season and another and maybe, I can do another show.”

Ang CIGNAL TV ay mas pinalakas pa ngayon sa pamamagitan ng CIGNAL Entertainment. Bago ang sex video scandal ni Paolo, visible si Paolo sa iba’t-ibang programa mula sa GMA-7 hanggang sa TV5 bilang host.

Hindi ba niya namimiss ang mainstream TV?

“I do. I really missed being in television,” pag-amin naman niya.

“There are really offers to comeback. But hindi siya align sa gusto ko and I thank the people out there for the offers, kaya lang may point na pipili ka dapat.

“Kapag hindi ka happy sa direction, you can say no, e.”

Hindi ba siya nanghinayang nang umalis siya sa GMA-7?

“Wala,” ang mabilis niyang sagot.

“To be honest, ang magiging regret ko lang, it was at that time na if I stayed on, I’m sure sasabog sa social media, yung Twitter, Instagram, Facebook and If I stayed and I did Survivor Season 3 and all that, I’m sure million na rin ang followers ko, I can imagine.

“But, marami akong natutunan kasi sa TV5 especially when it comes to learning—kung ano ang ginagawa ko ngayon which is producing. Ang regret ko siguro is not so much moving. Ang regret ko is after my controversy, I kinda gave-up. I let go and I allowed what I’m hearing around me put me down, na-depress ako.”

Pero nang nag-leak na rin naman daw ang sex video, nawala na rin yung takot niya araw-araw. At nakita rin niya na mas marami ang sumurporta sa kanya.

“When I think about it, siguro wala pang five percent ang negative. It was overflowing of love, support and understanding. You know, ang social media ngayon ay punong-puno ng mga trolls, bashers, negative people, toxic people.

“It’s a matter of filtering it e, kung ano nga ba ang gusto mong pakinggan.”

Anong natutunan niya sa nangyari?

“Well siyempre, one is accountability. Na ako talaga ang may kasalanan ng lahat. Two, is that so many people loves you and most importantly, I’m still alive.

“And habang buhay ka pa, my god, there’s so many things that you can do. Even after that, God continue to blessed me with so many opportunities pa rin. Even when I was down, depressed—He will shower me pa rin.

“So parang mahiya ka na lang kung hindi ka tatayo, hindi ka babangon.”


GIVING BACK. May ilang mga hosts na rin na namamayagpag ngayon.

Kapag nakikita niya ang mga ito, nasasabi niya ba sa sarili niyang siya sana yun?

“No,” mabilis niyang sagot.

“I’m at this stage that I wanna share what I know. I wanna teach. I wanna mentor so I have workshops in my restaurant, sa mga wannabees.

“Hindi ako natatakot sa bago, sa fresh. There will always be new and fresh. Ako, I’ m more of established, reliable na kahit anong ibato mo sa akin, kaya ko.

“Do you see me holding a script most of the time? No. Kasi, I know that’s my forte.”

Sa mga nakikita niyang naghu-host ngayon, sino ang nakikitaan niya ng husay o potensiyal?

“Alam mo marami, sa mga lalaki. There are lot of guys na kapag pinapanood mo you know—of course, yung mga naghu-host sa pageant because that close to my heart.

“There’s Xian Lim, Robi Domingo. Nakikita mo na they’re working on their craft. But I think, one of the things lang that they have to remember is more of the personality to show as a host. They have to loosen up a little more.

“Siyempre, yung mga ka-contemporary na natin, Billy Crawford, Luis Manzano, Ryan Agoncillo. But that’s more of contemporary na yun.”

Sa ngayon, ano pa nga ba ang gusto niyang patunayan, lalo na sa mga tao at sa sarili niya?

“Sa edad ko na ‘to, hindi na patunayan, e. I think, it’s more of to pursue my dreams regardless of what people think or say. After the controversy, nothing matters na, e.

“Failure will be failure. You learn from it and you rise from it. People will say bad things about you—ay kasi nagpapasikat, ay kasi laos. You’ll never please everybody.

“Wala na kong gustong patunayan sa puntong ito. I want to love myself and say na – putcha, ito ang pangarap ko, ito ang ipu-pursue ko.”

Sa huli, tinanong namin si Paolo kung ano ang maipapayo niya ngayon sa mga artistang biktima rin ng mga online scandals, bashers?

“Ang advice ko sa kanila, surround yourself with people who love you and people who matter. Learn the concept of garbage in, garbage out. Pasok sa isang tainga, labas sa kabila.

“Kapag alam mo na ang criticism ay constructive, i-process mo. Baka puwede kang magbago for the better.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN