Ayra Mariano reacts to comparisons with Julia Montes

IMAGE gmanetwork.com

Ayra Mariano and Ken Chan topbill the Magpakailanman episode titled "Our Viral Love: The Lance Fernandez and Ella Layar Story."


Para sa pinakaunang guesting ni Ayra Mariano sa Magpakailanman, gaganap siya bilang isang pilay o person with disability (PWD).

“Gusto ko naman po na binibigyan ako ng role na palagi pong iba kaya thankful po talaga ako. Saka nakakatuwa din po kasi iba-iba po yung mga nape-play ko na mga characters.

“And medyo na-pressure ako ng konti kasi ng first time ko po sa Magpakailanman, e, alam ko pong heavy drama tapos talagang inaabangan siya ng audience.

“Talagang alam ko na yung mga tao nakatutok sila sa bawat kilos namin dahil yung timeslot na yun lahat ng pamilya nanonood talaga.

“Na-pressure po ako pero at the same time happy ako kasi unang-unang maganda po yung story, maganda po yung script and real life story siya.

“Actually nakausap ko po talaga si Ella over the phone lang naman po, tapos iyon nagkuwentuhan kami, na very inspiring yung love story nila.

“And siyempre iyon kasama ko rin po si Ken, second time ko na po na makasama siya.”

Sa naturang Magpakailanman episode ay gagampanan nina Ken at Ayra ang papel nina Lance Fernandez at Ella Layar sa "Our Viral Love: The Lance Fernandez and Ella Layar Story."

Makakasama din sina Sherilyn Reyes, Emilio Garcia, Pamela Ortiz, Lollie Mara. Ayeesha Cervantes, Yasser Marta, Karlo Duterte, at Camille Canlas.
Ito ay mula sa direksyon ni Albert Langitan at ipapalabas ngayong Sabado (July 22) pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA-7.

Reunion din ito nina Ayra at Ken na unang nagkasama sa Meant To Be. Ex-lovers sila ni Ken sa MTB na nagkaroon sila ng kambal na babies.

“Pero naging friends na lang po kami after nun parang nawala po yung feeling sa isa’t-isa,” pagbabalik-tanaw ni Ayra sa papel nila sa Meant To Be.

Nineteen lamang si Ayra pero pumayag na siyang gumanap na ina ng kambal na babies at pilay naman siya sa Magpakailanman; open si Ayra sa mga medyo out-of-the box na roles.

“At meron pa pong isa abangan niyo po,” at tumawa si Ayra. “Puwede ko na bang sabihin?

“Sa Mulawin vs Ravena, ako po kasi si Selda, so ire-reveal po yung character ko dun. Ako po yung kausap ni Lawiswis [Bianca Umali] na hindi pa ipinakikita, Mulawin po ako pero sa pagkakabasa ko po sa script, deformed po ako.”

Halos pantay lamang sila ni Klea Pineda sa dami ng projects; si Klea ang Ultimate Female Survivor ng Batch 6 ng StarStruck at first runner-up nito si Ayra.

“Thankful po ako.”

Para rin siyang si Yasmien Kurdi na kahit First Princess ni Jennylyn Mercado sa unang season ng StarStruck ay umalagwa rin ang career ni Yasmien.

Nagkataon na si Yasmien pala ang idolo ni Ayra sa mga produkto ng StarStruck.

“And si Jennylyn Mercado rin po kasi ang galing niya sa romcom like sa My Love From The Star. Kasi po may mga binibigay rin po sa akin na roles na romantic comedy which is gusto ko po kasi medyo forte ko po ang romantic comedy.

Kasama rin si Ayra sa youth-oriented show na GRIND (Get Ready It’s A New Day) with Bruno Gabriel, Jazz Ocampo at Benedict Campos sa GMA.

“Every Saturday po siya after i-Witness. Parang nahahawig po kami sa Tween Hearts, CLICK, ganun po. Pero yung sa amin po kasi millennial show po, e. Na makaka-relate po talaga ng millenials and at the same time yung parents ng millenial.”

Bago siya napasali at naging First Princess sa Batch 6 ng StarStruck ay isang TV commercial model si Ayra.

Isa sa tumatak niyang TV commercials ay isang astringent brand kung saan support siya ni Julia Montes.

Kaya biniro namin si Ayra na noon ay suporta lamang siya kay Julia pero tila lately ay mas visible sa telebisyon si Ayra kaysa kay Julia.

“Ay, hindi naman po!

"Ay hindi ko po masabi kasi mamaya baka magbago po ang isip ng advertiser hindi na po ako kunin sa susunod,” at tumawa si Ayra.

“Thankful po ako sa panibagong opportunity na ibinigay sa akin ng Eskinol na after po nung huli ko, nawala po sa akin yung Eskinol ulit, e, kasi po nagkaroon po ng panibagong commercial.

“Then ibinalik po sa akin so sobrang natutuwa po ako talaga.”

Simula raw 2013 ay endorser na siya ng naturang brand ng astringent; at simula seven years old si Ayra, who is now nineteen, ay nagko-commercial na siya.

Hindi pa nagkakaroon ng boyfriend si Ayra.

Hindi ba siya niligawan ni Ken?

“Ay! Friends lang po kami. Career muna po.”

Crushes?

“Dati po may mga crush ako ngayon hindi ko na po alam,” at tyumawa si Ayra. “Wala na po yata.”

At kung bibigyan na siya ng launching project isang pangalan ang mabilis niyang isinagot na nais niyang maging unang leading man.

“Ken Chan! Ken Chan, ayan na po, e,” na nasa di-kalayuan kay Ayra during our interview.

Sa mga aktres sa showbiz, sino ang nais niyang sundan ang mga yapak bukod sa mga kapwa niya StarStruck alumni na sina Jennylyn Mercado at Yasmien Kurdi?

“Noon pa po lagi kong sinasabi saka sinusubaybayan ko po talaga, siyempre po, ang Primetime Queen, Miss Marian Rivera!

“Ang galing-galing niya po kasing mag-drama. Ramdam na ramdam.”

Hindi pa niya nakakasama si Marian sa isang teleserye.

“Pero nag-guest po ako dati sa Yan Ang Morning!”

Na-starstruck raw si Ayra kay Marian.

“Hindi nga po ako nakapagpa-picture sa kanya! Ganun po ako meron po akong starstruck na feeling palagi. Kahit po kay Miss Rej [Regine Velasquez-Alcasid], hindi po ako nakakapagpa-picture, gusto ko nakatingin lang ako sa kanya.”

Nakasama ni Ayra ang Asia’s Songbird sa Poor Señorita.

Kung gagawin ang buhay ni Ayra sa Magpakailanman, papayag ba siya?

“Puwede naman po kaso talagang masaya lang ang mapapanood ninyong episode,” at tumawa si Ayra. “Meron din naman pong parte na medyo siyempre meron din namang bittersweet moments ang life po namin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN