Glaiza de Castro reprises Pirena role in Mulawin Vs. Ravena

by Ruel J. Mendoza
Jul 25, 2017
Glaiza de Castro looks forward to working with her friends who are part of the Mulawin Vs. Ravena cast: "Bilang Pirena, na-excite ako ulit lumaban. Na-excite ako kasi ang dami kong mga kaibigan doon, e."

Hindi ma-explain ng GMA-7 actress na si Glaiza de Castro ang kanyang excitement dahil muli niyang isusuot ang costume niya bilang si Pirena dahil malapit na ang pagpasok niya sa telefantasya na Mulawin Vs. Ravena.

Makakasama ni Glaiza dito si Mikee Quintos, na gaganap bilang si Lira.

“Bilang Pirena, na-excite ako ulit lumaban.

“Na-excite ako kasi ang dami kong mga kaibigan doon, e.

“Si Chynna [Ortaleza], si Dennis [Trillo], si Bea [Binene] at si Derrick [Monasterio].

“Parang ang saya lang kasi bagong show ito na papasukan naming ni Mikee,” pahayag ni Glaiza sa kanyang interview sa news program na 24 Oras noong July 20.

Dalawang buwan na ang nakaraan simula noong matapos ang telefantasya na Encantadia.

Nagpahinga at nag-travel muna si Glaiza bilang regalo sa kanyang sarili dahil sa halos isang taong pagtrabaho sa naturang show.

Pagbalik niya ay sunud-sunod naman ang mga natanggap niyang parangal.


STORIES WE ARE TRACKING


Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Glaiza de Castro looks forward to working with her friends who are part of the Mulawin Vs. Ravena cast: "Bilang Pirena, na-excite ako ulit lumaban. Na-excite ako kasi ang dami kong mga kaibigan doon, e."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results