Ai-Ai delas Alas reveals next project with Vic Sotto

IMAGE Jojo Gabinete


Dalawang taon ang bisa ng exclusive contract na pinirmahan ni Ai-Ai delas Alas sa GMA Network Inc.

Grateful at thankful ang Comedy Concert Queen sa management ng Kapuso Network dahil sa patuloy na pagtitiwala sa kakayahan niya.

“Salamat sa Diyos dahil binigyan at binibigyan pa rin ako ng trabaho ng Kapuso Network,” ang sabi ni Ai-Ai.

Isang teleserye at isang sitcom na muling pagsasamahan nila ni Vic Sotto ang mga project ni Ai-Ai sa bagong kontrata niya sa GMA-7.

Kung si Ai-Ai ang masusunod, afternoon drama series ang gusto niya na ibigay sa kanya ng Kapuso Network.

“Mga housewife, nanay at mga mighty yaya ang audience ko at sila ang mga mahihilig na manood ng mga afternoon teleserye kapag tapos na ang mga gawaing-bahay nila.

“Sa gabi kasi, maaga na nagpapahinga ang karamihan sa kanila dahil maaga sila na gumigising para asikasuhin ang kanilang mga asawa at anak na papasok sa opisina at sa school. Ganoon din ang routine ng mga mighty yaya,” ang paliwanag ni Ai-Ai tungkol sa pangarap niya na magkaroon ng afternoon show sa kanyang mother studio.

Isa ang kanyang BFF na si Sharon Cuneta sa mga bumati kay Ai-Ai nang mag-renew ito ng exclusive contract sa GMA-7.

“Congrats my BFF (pero siempre may konting huhuhu,di pa rin tayo magkasama). Happy that the Kapuso Network loves you and takes care of you.I love you,” ang congratulatory message ni Sharon kay Ai-Ai.

Bukod sa mga bagong programa ni Ai-Ai sa Kapuso Network, magiging abala siya sa paglilipat ng bahay dahil tapos na ang construction ng kanyang three-story house na may swimming pool, gym at spa.|

Excited na si Ai-Ai sa paglipat niya sa kanyang bagong bahay sa darating na Huwebes. Pinaghahandaan na rin nila ng kanyang fiancée na si Gerald Sibayan ang church wedding nila sa December 12, 2017 na magaganap sa isang simbahan sa Quezon City.




ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN