Daniel Padilla reacts to those comparing Kathryn's short hair look to Jake Zyrus

IMAGE Mark Atienza (Jake Zyrus)


Sa lumabas na balita na hindi si Enrique Gil kundi si Daniel Padilla ang love interest ni Liza Soberano sa remake ng Darna, marami agad ang umalma sa mga Lizquen at Kathniel fans.

Reklamo ng diehard fans ng dalawang love teams, bakit daw kinakailangang ipareha sila Daniel at Liza gayong maayos naman ang tinatakbo ng kani-kanilang mga tandem.

Sa panayam naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Daniel sa basketball practice ng Red Team na pinangungunahan ng aktor sa darating na Kapamilya Playoffs, agad din namang klinaro ng aktor na walang katotohanan ang lumabas na balita.

“Hindi wala namang nabanggit na ganun sa akin. Ano lang, ilusyon ‘yan ng ibang tao. Ako dun? Parang malabo naman na makita ninyo ako dun bigla. Saka may La Luna Sangre pa ako. Malabo yun.”

Hiningan rin namin ang reaction ni Daniel sa meme na lumalabas sa social media kung saan kamukha daw ni Kathryn si Jake Zyrus.

Ang karakter ni Kathryn na si Malia ay nagpapanggap bilang isang lalaki na ang pangalan ay Miyo sa La Luna Sangre.

“Nakikita ko, ito namang mga tao, lagi namang ganito. Si Kathryn ang tawang-tawa, wala, okay lang naman. Alam mo naman ang mga taong yun.”

Nang kumustahin naman namin ang relasyon nila ni Kathryn, masayang nagkuwento si Daniel na masaya sila ng kapareha sa magagandang nangyayari sa career nila gaya ng consistent high ratings ng La Luna Sangre.

“Masaya, masaya kami ngayon, siyempre happy kami na ang daming taong tumatangkilik sa project namin. Ang daming taong natutuwa kay Kathryn sa performance niya sa La Luna Sangre. So very happy kami, habang lumalalim lalong sumasaya.

“Ako sobra ang pasasalamat ko sa mga Kapamilya natin na sumsuporta sa La Luna Sangre. Talagang nababalitaan namin na tuwang-tuwa sila sa mga eksenang napapanood nila. Siyempre kami naman lalo pa naming pagbubutihin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dapat abangan? Ang dami pa, di pa kami nagkikita nila Sandrino, ang dami pang di namin nakikita. Nagkita na kami ni Kathryn pero di ko pa alam na siya yun. Siyempre sa mga mangyayari pa sa mundo ng mga lobo at bampira at mga Moonchasers at kung ano pa ang mga malalaman namin.”

Si Richard Gutierrez ang gumaganap bilang Sandrino.

Sa kabila ng matagumpay naman ang lahat ng proyekto na pinagtambalan nila ni Kathryn, hindi naman umasa si Daniel na mainit na tatanggapin ng mga manonood ang pinagbibidahang fantaserye.

“Siyempre wala namang expectations sa kahit na ano. It’s always give your best, give your 100% sa lahat ng project at tingnan mo na lang ang kalalabasan.”

Dahil nanggaling si Daniel sa pamilya ng mga action stars na pinangungunahan na ng tiyuhing si Robin Padilla, marami ang nagtatanong kung ang mga action stunts na ginagawa sa La Luna Sangre ay maaring simula na rin ng pagsabak niya sa ganitong tema ng mga proyekto.

“Marami pa akong kailangang gawin, marami pa akong kakaining bigas para maging action star.

"Masarap talaga siya, exciting talaga siya, siyempre bago din siya sa akin. Yung pamilya ko naman may history sa action so masaya ako na maging parte din ng history na yun.”


MMFF MOVIE. Excited na rin si Daniel sa pelikulang The Revengers kung saan makakasama niya sina Vice Ganda at Pia Wurtzbach. Ayon kay Daniel ay marami siyang stunts na gagawin sa 2017 Metro Manila Film Fest entry.

“Oo marami din dun, maraming, maraming action scenes. Abangan ninyo ang mga fight scenes namin ni Vice dun.”

“Very excited, sabi ko nga ang tagal ko ng di nakakapag-MMFF. Heto na kasali uli so very excited na makita uli ng mga tao, alam mo na yung mga parada natin.”

Sa sobrang hectic schedule ni Daniel, may oras pa kaya ang aktor para sa kanyang pamilya at sa kanyang sarili?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kailangan mo lang isipin na kaya mo, kailangan mong kayanin. Wala kang choice.”

“Siyempre, yun naman ang lagi kong hinihingi, everytime mayroon akong isang araw o dalawang araw na nasa bahay lang ako or gagawin ko scheduling ko. Kailangan ko lang ng time na huminga ako.”

Kahit ang nabalitang concert ni Daniel ngayong taon ay hindi rin makumpirma ng aktor dahil sa halos araw-araw na taping at shooting.

“Di ko pa masasabi sa ngayon, ngayon buhay pa ako tingnan natin sa mga susunod na buwan. Di naman patay, patay sa pagod.”

BASKETBALL SHOWDOWN. Noong nakaraang Kapamilya Playoffs ay nanalo ang Team Daniel laban sa Team Gerald. Masayang nagbahagi naman si Daniel sa dapat abangan sa paghaharap ng grupo nila laban sa grupo nina Gerald Anderson.

"Second time, November yung first last year. Kasi marami ring tao ang nabitin nun sa una, so heto inuulit namin para din naman sa kasiyahan din ng mga tao.

“Sa basketball kasi di mawawala yung pagiging competitive ng lahat ng players. Basketball ‘yan, e, wala namang papayag na magpatalo. Makikita ninyo talaga yung pagiging competitive, yung pagiging athlete ng mga artistang nandun.

“Pikunan? Oo, di maiiwasan yun pero kailangang iwasan yun. Sports lang dapat. Cool lang. Ggaawin namin ang best namin na i-defend ang title.”


Stories We Are Tracking

4 ABS-CBN primetime seryes prevail over GMA-7, based on AGB
4 ABS-CBN primetime seryes prevail over GMA-7, based on AGB
Will Liza Soberano and Daniel Padilla be paired in Darna?
Will Liza Soberano and Daniel Padilla be paired in Darna?
Kris Aquino is a fan of these shows on ABS-CBN, GMA-7
Kris Aquino is a fan of these shows on ABS-CBN, GMA-7
Here's why Charo Santos Concio was seen on La Luna Sangre
Here's why Charo Santos Concio was seen on La Luna Sangre


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN