Derek Ramsay reveals new Kapamilya leading lady; says, "Hindi na ko banned sa ABS-CBN."

IMAGE Noel Orsal

Derek Ramsay's contract with TV5 will end by April 2018.


Nilinaw ni Derek Ramsay na wala pa silang kinakausap na kahit na anong network. Kaya wala raw katotohanan na lilipat na siya ng TV station.

“Wala, wala pa,” ang naging pahayag niya.

“You know there’s ano, there’s hearsay na o dito ka na. Pero nothing na seryoso. I think it would be very disrespectful for me to entertain other offers.”

Pero tingin naman daw niya, hindi naman din mga seryosong offers pa yun.
Ilang taon din ang naging problema ni Derek sa pinanggalingang network, ang ABS-CBN. Pero ayon dito, ngayon daw, okay na okay na siya sa Kapamilya network.

“Nag-movie na nga kami ni Coleen [Garcia]. May project kaming naka-line-up ni Bea [Alonzo]. Nag-guesting na ko sa GGV [Gandang Gabi Vice], nag-guesting na ko kay Kuya Boy [Abunda].

“So, hindi na ko banned sa ABS[-CBN],” natatawang sabi ng former ABS-CBN talent.

Pagkatapos ng kontrata niya sa TV5, posible kayang magbalik Kapamilya siya?

“Again, I can’t say. TV5 is my priority. Lahat ng mga projects na binigay nila sa akin is because hindi lang ito ang naisip nila na si Derek na lang ang natitirang artista, sa kanya na lang natin ibigay.

“It’s like, alam nating gusto ni Derek ang ganitong project, i-offer natin sa kanya. I’m still giving the opportunity to decline. Pero yung mga inoffer nila, gusto ko. So, tinatanggap.

“I was never forced to do a project in TV5.”

Sa ngayon, may kino-conceptualize raw na bago niyang programa na tatalakay naman sa kuwento o buhay ng mga young athletes.

Sa April 2018 pa matatapos ang kontrata ni Derek sa TV5. Kaya wala pa raw talaga sa isip niya ngayon ang tungkol sa kung mananatili ba siyang Kapatid o lilipat na siya.

Ayon kay Derek, “Probably we’ll start talk January and find out where will going. Parang ganun din ang nangyari sa akin, kasi my first contract was three years. We started talking noong January, alam ko na kung saan ako pupunta.

“Na-appreciate nila na nanalo ko ng Best Actor, they appreciated the stuff that I did outside the network which also helped them, kasi totoo naman na kung nasa ABS ka or nasa GMA ka, mas sikat ka. Mas kita ka ng tao.

“But I was able to keep my name afloat with endorsements, my sports and my movies. So, they appreciated that. They gave me the same contract for another three years, which is actually shocking.”

Mag-aanim na taon na siya sa TV5. Nag-eenjoy raw siya kaya wala siyang anumang regret na nararamdaman na lumipat siya ng network noon.

“None at all,” saad niya.

Sa lahat halos ng lumipat na artista ng TV5, si Derek ang maituturing na pinaka-loyal.

“That’s my personality in anything that I do. When I start something, I’ll finish it. In relationship also, that’s who I am. To my family, my friends. You know my friends knows that I’m the most loyal guy.

“I’m very loyal to our country. When I play for the Philippines, mabalian ako, mamatay ako, lahat ibibigay ko. The same thing with my network. I’m being paid, I should do my part.

“I’m just not going to sit here and accept payment and not give back. If I didn’t feel like I gave back, I wouldn’t expect na ire-renew nila ko for another three years.

“When we sat and we talked, they said hey, we’re very happy with what you’ve done and we want you to sign on for another three years. No hesitation, I said yes.”



Stories We Are Tracking

Derek Ramsay on Amo:
Derek Ramsay on Amo: "We shot in a morgue. May patay talaga"



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN