Andre Paras wants to level up his stature as comedian

IMAGE Noel Orsal

Andre Paras wants to focus on improving his craft as a comedian: "I really wanna pursue if kaya, like comedy, I wanna make a name for myself sa comedy. I mean, drama is okay, pero you know, alam ko kasi ngayon bihira po yung ano ... I guess yung nasa edad ko na nagku-comedy."



Tinanong namin si Andre Paras kung ano ang pakiramdam niya bilang isa sa mga regular members ng GMA-7 Sunday noontime show na Sunday PinaSaya (SPS) na nagse-celebrate ng ikalawang anibersaryo.

Nagsimula ang month-long anniversary nila noong July 9 at ang cuminating celebration nila ay gaganapin sa August 6.

Sabi niya, “Of course, super-happy po ako kasi nakasali po ako dito kasama yung ibang mga bagong ipinasok last year lang.

“So, kumbaga ako one year pa lang.

“Pero feeling ko rin naman two years na rin ako dito, of course sa pagwe-welcome nila, pagiging close namin, kaya sobrang…

“Parang more than two years yung feeling namin kasi every Sunday namin ito ginagawa, and Saturday of course, kasama ang rehearsal.”

SUNDAY PINASAYA. Inasahan ni Andre na magtatagal ang Sunday PinaSaya.

So far, consistent na mataas ang ratings ng Kapuso noontime show.

Ani Andre, “Talagang confident po ako, kahit nung hindi pa ako kasama.

“Yung cast pa lang, yung mga original—sila Kuya Wally, sila Kuya Jose—sobrang... you know, natutuwa ako kapag pinapanood ko sila every Sunday pag wala po akong ginagawa.

“Then just to be part of it, of course… of course I want to contribute din, di ba?

“And yun nga, confident ako na tatagal po yung show.”

Bukod kina Andre, Wally Bayola at Jose Manalo ay hosts rin ng Sunday PinaSaya sina sina Marian Rivera, Ai-Ai de las Alas, Barbie Forteza, Barbie Forteza, Julie Anne san Jose, Ryzza Mae Dizon, Valeen Montenegro, Jerald Napoles, Gladys Guevarra, Boobsie Wonderland, Joey Paras, Gabbi Garcia, Ruru Madrid, Pekto, Kim Last, Lovely Abella, Atak Arana, at Alden Richards.

BEST OF BOTH WORLDS. Sa Encantadia huling napanood si Andre.

Saan siya mas nag-e-enjoy, sa pag-arte sa isang serye o maging cast ng isang live noontime show?

Pag-aanalisa niya, “Para sa akin, it’s different kasi pag sa Encantadia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, almost similar, kasi yung character ko sa Encantadia nagpapagaan ng eksena, may pagka-comic relief po siya.

“And dito naman sa Sunday PinaSaya, kumbaga, everything about it is, you know, comedy.

“Kumbaga, dun ako kumportable and I guess madaling gawin itong SPS.

“In terms of time kasi, twelve to seven rehearsals pag Saturday, and ngayon, eight am calltime hanggang three pm.

“Pag Encantadia naman minsan everyday.

“So in terms of time management, mas madali itong SPS.

“But in terms of ginagawa yung craft or yung trabaho, para sa akin pareho lang, kasi I play the same character naman.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andre sa Studio 7 ng GMA Annex building noong July 23 sa pocket presscon para sa month-long celebration ng 2nd anniversary ng show.

LOVE LIFE. Kinumusta naman namin ang lovelife ni Andre.

Diin niya, “For me, as of now, I’m focusing on family muna.

“And of course, kakabalik lang ni Kobe dito, so of course, yung bonding po namin is really important.”

Si Kobe ang nakababatang kapatid ni Andre.

Wala raw girlfriend ngayon si Andre.

Bakit nga ba hindi siya “ma-girlfriend” ever since?

Paliwanag niya, “I guess ano, just really busy lang with work.

“At the same time, iyon nga, parang may gustong abutin pa rin, in terms of sa craft ko and also sa pagbabalik ko sa basketball.”

GOALS. Ano ang nais ma-achieve ni Andre pagdating sa showbiz career niya?

“I really wanna pursue if kaya, like comedy, I wanna make a name for myself sa comedy.

“I mean, drama is okay, pero you know, alam ko kasi ngayon bihira po yung ano e... I guess yung nasa edad ko na nagku-comedy.

“Gusto ko lang maiba.

“Dun po talaga ang focus ko ngayon.

“And of course, habang wala po akong ginagawang teleserye work , nag-focus rin po ako sa basketball ngayon,” pahabol pa niya.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN