Jona Soquite explains why she needed to win a house and lot in The Voice Teens

IMAGE Allan Sancon

The Voice Teens winner Jona Soquite admits, "Yung bahay talaga ang pinaka-importante sa akin." She is the third representative of Team Sarah Geronimo to win in The Voice.


 

Kagabi, July 30, ay itinanghal ang 14-year-old contestant na si Jona Soquite bilang grand champion ng kauna-unahang season ng The Voice Teens.

Nang nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jona sa Studio 10 ng ABS-CBN, iyak ito ng iyak dahil sa tuwa.

“Nagpapasalamat po ako sa mga naniwala at sumuporta sa akin,” aniya.

Si Jona ay pambato ng Team Sarah at nakakuha siya ng 44.78% ng total number of votes.

Ang pambato naman ng Team Bamboo na si Isabela Vinzon ay nakakuha ng ng 22.42%, habang si Mica Becerro ng Team Lea ay nakakuha ng 17.79%.

Si Jeremy Glinoga naman ng Team Sharon ay 15.01% ang nakuha.

Hindi makapaniwala si Jona na kalahati ng manonood ay siya ang binoto.

“Sobrang saya ko po, kasi noon po sinasabi ng iba na ayaw nila sa akin.

“Yun po ang nababasa kong mga comments.

“Pero sa nakikita ko po ngayon, sobrang blessed po ako.

“Halos kalahati po ang naniwala sa akin.

“Pinapakita ko lang po ang tunay na Jona tuwing kumakanta ako.

“Salamat po at na-appreciate na nila yun.”

Bilang grand winner ng The Voice Teens, nag-uwi si Jona ng business package, dental service package, at fashion package.

Nanalo din siya ng P1 million in cash, P1 million na trust fund, at insurance plan na worth P2 million.

Pero ayon sa dalaga, ang pinaka-mahalagang napanalunan niya ay ang brand new house and lot.

“Siguro po ibigigay ko na lang yung pera sa pamilya ko.

“Yung bahay talaga ang pinaka-importante sa akin.

“Delikado po kasi ngayon kung saan kami nakatira.

“Sa ngayon po sa tabi kami ng ilog. Delikado po kasi tag-ulan ngayon.

“Kaya thank you talaga kay Lord dahil sa akin Niya pinagkaloob ito.”

Si Jona ang kauna-unahang grand champion ng The Voice Teens sa buong Asia.

Ang Pilipinas pa lang ang nagsagawa ng ganitong format ng The Voice, matapos gawin ng Colombia ang La Voz Teens nung nakaraang taon.

Si Jona rin ang ikatlong representative ng Team Sarah na nanalo sa The Voice si Lyca Gairanod na winner ng The Voice Kids at Jason Dy na
winner ng Season 2 ng ABS-CBN reality singing competition.



Stories We Are Tracking

Jona Soquite named as first winner of The Voice Teens
Jona Soquite named as first winner of The Voice Teens
Who among Jona, Mica, Jeremy and Isabela will win The Voice Teens?
Who among Jona, Mica, Jeremy and Isabela will win The Voice Teens?
Lea Salonga defends Roi Vinzon's daughter against bashers
Lea Salonga defends Roi Vinzon's daughter against bashers
THE BEAT: Sarah Geronimo gets teased on The Voice Teens
THE BEAT: Sarah Geronimo gets teased on The Voice Teens

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN