GMA CEO to Ika-6 Na Utos cast: "Your dominance in the timeslot boosted our overall lead against competition"

The cast and crew of Ika-6 Na Utos were commended by GMA CEO and Chairperson Atty. Felipe Gozon for boosting the Kapuso Network's "overall lead against competition."


Tumanggap ng commendation letter ang mga namamahala, cast, at crew ng Ika-6 Na Utos mula kay Atty. Felipe L. Gozon, Chairman and CEO ng GMA Network dahil sa husay na ipinapakita ng afternoon series.

Pinasalamatan din ni FLG ang sipag at tiyaga na ibinibigay ng buong produksyon para sa programa at kinilala ang tagumpay ng programa bilang kauna-unahang daytime series na napapanood mula Lunes hanggang Sabado.

Ayon pa sa sulat ni FLG, “Your dominance in the timeslot has likewise boosted our overall lead against competition… You have made history by being the first-ever drama series on Philippine television to extend to Saturday telecast.”

Bukod pa rito, pinuri rin niya ang Ika-6 Na Utos sa pananatiling relatable sa kanilang viewers, na dahilan kung bakit lagi silang tinututukan. Ihinuli ng GMA executive sa kanyang sulat ang isang madamdaming “Congratulations for a job well done!”

Narito ang nilalaman ng commendation letter ni Atty. Gozon:

"I wish to commend the entire creative and production teams and artists of Ika-6 Na Utos for consistently leading in ratings and earning the Top Daytime Program slot in NUTAM and Mega Manila viewership for the past months.

"Your dominance in the timeslot has likewise boosted our overall led against competition. As proof of your continued success, you have made history by being the first-ever drama series on Philippine television to extend to Saturday telecast.

"The GMA management recognizes your hard work and dedication in ensuring that each episode of the program lives up to the expectations of the viewers and and maintans the superior standards that are characteristics of our production.

"On behalf of GMA Network, Inc. I wish to convey my heartfelt congratulations to all of you for a job well done. Your commitment to excellence is truly admirable and worthy of emulation.

"Mabukay Kayo, mga Kapuso!"

Attorney Felipe L. Gozon
Chairman and C.E.O.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod pa dito, nakamit ng Ika-6 Na Utos ang all-time high rating nito sa AGB NUTAM noong Biyernes, July 29 na umabot ng 10.7%.

Dahil dito, nagdaos ng isang thanksgiving lunch ang entire cast, production team at staff sa Chef Laudico noong August 1.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang bida ng Ika-6 na Utos na si Sunshine Dizon sa pamamagitan ng direct messaging upang tanunging kung ano ang nararamdaman nito sa positibong nangyayari sa teleserye kabilang na nga ang commendation letter na natanggap nila mula sa head ng Kapuso Network.

Ayon kay Sunshine na siyang gumaganap sa karakter ni Emma, “We’re very grateful that our efforts are being recognized po by none other than our big boss, nakakataba po talaga ng puso.”

Sabi nga namin sa Kapuso actress, kung tutuusin, ang tema ng legal na asawa at kabit ay gasgas na at madalas na gamiting storyline. Pero ano kaya ang formula na meron sila sa Ika-6 Na Utos at naging phenomenal ito?

“Siguro matagal na din talagang nanahimik ang #teamasawa dahil din siguro in our society, ‘di ito nadidiscuss openly,” saad niya.

“And finally, here comes a show that openly tackles the issue. Lahat siguro ng frustrations, triumphs ay nalalabas natin at nakakarelate tayo somehow.

“We also get to sympathize and route for Emma’s plight. Plus siyempre, di lang puro heavy drama because of the comic side din ng story. Kumbaga kumpletos recados na.”

Posible bang ma-extend pa ang Ika-6 Na Utos hanggang sa isang taon?

With regards to the extension that will all depend pa rin ultimately sa suporta po ng aming viewers,” ani Sunshine.



Stories We Are Tracking

Kris Aquino admits binge watching GMA-7's Ika-6 Na Utos
Kris Aquino admits binge watching GMA-7's Ika-6 Na Utos
Ika6 Na Utos director comments on possible extension of show
Ika6 Na Utos director comments on possible extension of show
Ika-6 Na Utos scene led Sunshine to get a portable bathroom
Ika-6 Na Utos scene led Sunshine to get a portable bathroom
Why did Angelika describe Ika-6 Na Utos as
Why did Angelika describe Ika-6 Na Utos as "jologs"?




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN