Yassi Pressman admits girl crush on Liza Soberano

IMAGE Rose Garcia

Yassi Pressman on Coco Martin being too hands-on for Ang Probinsyano: "Ang advantage nun, it does everything for him, sobra-sobra dami ng blessings na bumabalik sa kanya dahil sobra-sobra din siya mag-share. Ang disadvantage naman ay yung sa health niya. Di na talaga siya natutulog."


Sa pagganap ni Yassi Pressman bilang asawa ni Coco sa Ang Probinsyano, masaya at labis ang pasasalamat ni Yassi sa oportunidad para maging bahagi ng primetime series na ito.

Lahad niya, “Very, very happy, very lucky at higit sa lahat blessed na makasama o mapabilang sa show na ito.

“Nung una talaga pakiramdam ko nilagay ako sa isang puwesto na di ko alam kung worthy ba ako, kung kaya ko ba.

“Thankful talaga ako sa mga nagmamahal sa amin na dahil sa suporta nila, hanggang ngayon nandiyan pa rin sila.

“Sobrang mahal namin kayo.”

IS COCO OVERWORKING HIMSELF? Hands-on si Coco sa taping ng Ang Probinsyano kunsaan pati sa creative side ng teleserye ay may mga binibigay siyang suhestiyon para sa ikagaganda ng show.

Para kay Yassi, may advantage at disadvantage ang sobrang kasipagan na ito ng kapareha.

Pag-aanalisa niya, “Ang disadvantage na nakikita ko bilang isang napakalapit na kaibigan at caring ako ay yung health niya.

“Di na talaga siya natutulog.

“Kahit sa lunch break or dinner break ng Probinsyano, ang ginagawa niya nagmi-meeting siya para sa Panday.

“Isang tao na walang kapaguran at kahit today na sasabihin niyo na wala kaming work, nanggaling kami ng charity pero bago ang charity na yun, nanggaling pa siya ng meeting.

“Ganun siyang klaseng tao.

“Ang advantage nun, it does everything for him, sobra-sobra dami ng blessings na bumabalik sa kanya dahil sobra-sobra din siya mag-share.”

HAPPY FOR MARIEL. Ikinagulat at ikinalungkot ng iba na hindi si Yassi ang kapareha ni Coco sa remake ng pelikulang Ang Panday.

Ang beauty queen na si Mariel de Leon ang napili bilang leading leady ni Coco.

Kilala rin si Mariel bilang anak ng veteran actors na sina Christopher de Leon at Sandy Andolong.

Nagpapasalamat naman ang aktres sa mga tagahanga nila na ang gusto ay maging parte siya ng nasabing pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad niya, “Natutuwa ako dahil sa mga supporters namin ganun sila ka-supportive na gusto nila nandun ako.

“Pero at the same time, natutuwa ako at nae-excite para kay Mariel.

“Super excited ako para sa kanya dahil first time niya at dahil grabe din silang magbigay ng opportunities.

“Sobra-sobrang blessings ang mga nangyayari pag nabibigyan ka ng pagkakataon.”

RESPECT FOR JADINE. Isa si Yassi sa mga matalik na kaibigan ni Nadine Lustre.

Nang hingan namin siya ng reaction tungkol sa mga pamba-bash na tinatanggap sa ngayon ng kaibigan at ng kasintahan nitong si James Reid, umiwas na lang siyang magbigay ng komento tungkol dito.

Ani Yassi, “Pagdating sa kanila, gusto ko lahat ng opinions ay manggaling sa kanila.

“Bilang kaibigan, rerespetuhin ko lahat sa kanila na manggaling.”

Katulad ni Nadine ay nakakaranas din si Yassi ng pamba-bash mula sa mga netizens.

Ayon sa aktres, hangga't maaari ay hindi siya nagpapaapekto sa mga bashers.

Sabi niya, “Depende din kasi ‘yan sa mood ko, pero sa ngayon kasi, kahit anong ibato sa akin na negative, masyado nang maraming positive sa buhay ko para mag-focus ako dun.

“May mga bad days siyempre. Di ko alam ang gagawin ko, pero as of now I’m super happy.”

HAPPY FOR LIZA. Inamin din ni Yassi na masaya para sa girl crush niyang si Liza Soberano dahil sa pagkakapili nito para sa Darna remake.

Pag-amin niya, “Very excited.

“Nakita ko nga siya sa Toronto, kinongratulate ko siya.

“Sabi ko, sobrang excited ako para mapanood ko siya.

“Isa siya sa malaki kong girl crushes, sila ni Ate Anne [Curtis], kaya excited ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN