Why did Ayen Munji-Laurel leave Kimerald teleserye Ikaw Lang Ang Iibigin?

IMAGE Noel Orsal

Ayen Munji-Laurel's character Victoria exits ABS-CBN's daytime series Ikaw Lang Ang Iibigin.


Labag man sa kalooban niya, nagpaalam na si Ayen Munji-Laurel sa ABS-CBN daytime teleserye na Ikaw Lang Ang Iibigin dahil sa kanyang pagbubuntis sa ika-limang na anak nila ni Franco Laurel.

Si Ayen ang main kontrabida sa daytime TV series na pinagbibidahan nina Gerald Anderson, Kim Chiu, Coleen Garcia, at Jake Cuenca.

Ang karakter ni Ayen ay si Victoria Quintana-Dela Vega, ang nanay ng karakter ni Jake named Carlos.

Para kay Ayen, isang masakit na desisyon ang kanyang pag-alis sa Ikaw Lang Ang Iibigin pero priority niya ang ipinagbubuntis na sanggol.

Five months pregnant si Ayen at nakatakda siya na magsilang sa December 12.

Tulad ng mga nakaraan na pagbubuntis ni Ayen, high-risk at malaking hamon sa kanya—physically at emotionally—ang kasalukuyan na kalagayan.

Ayon kay Ayen, nagsimula ang taping niya para sa Ikaw Lang Ang Iibigin noong October 2016 at nalaman niya na buntis siya noong April 2017, isang buwan bago umere sa telebisyon ang programa nila.

Nakipag-meeting kay Deo Endrinal ng Dreamscape ang manager ni Ayen na si Popoy Caritativo para sa mga pagbabago na mangyayari sa karakter niya dahil tiyak na mahahalata na ang paglaki ng kanyang tiyan.

Nagkaroon ng major revision sa karakter na ginagampanan ni Ayen na malaki ang ipinangayayat, hindi makakain at madalas na nagsusuka na hindi nakaligtas sa matalas na pakiramdam ng production staff.

“In fact, in a crying scene with Jake [Cuenca], I started to hyperventilate they had to call someone to check my pulse rate which was very high at that time. Hirap na talaga ako,” ang kuwento ni Ayen na malaki ang pasasalamat sa suporta sa kanya ng ABS-CBN at Dreamscape.

“They were very, very supportive and very caring. They even had a medical team on board while I was taping. They also reduced my cut-off time from 2 a.m. to 12 midnight. They were very considerate. I couldn’t ask for a better team. Sobrang bait nila,” ang sabi ni Ayen.



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN