Jolina Magdangal comments on ratings war between ASAP and Sunday PinaSaya

IMAGE Rose Garcia

Jolina Magdangal on competition between ABS-CBN's ASAP and GMA-7's Sunday PinaSaya: "In fairness, eto ha, may kanya-kanyang appeal. May appeal ang Sunday PinaSaya, may appeal ang ASAP. At saka kapag ako nag-a-ASAP, yung ASAP lang ang naiisip ko..."


Nang bumalik si Jolina Magdangal sa bakuran ng ABS-CBN ay muli rin siyang naging bahagi ng Sunday noontime show na ASAP.

Ang katapat na programa ng ASAP ay ang Sunday PinaSaya ng GMA Network.

Ang Sunday PinaSaya ang pumalit sa huling programa ni Jolina bilang isang Kapuso, ang Sunday All Stars.

Dahil dito, hindi maiwasang tanungin ang TV host-singer tungkol sa labanan sa ratings ng ASAP at Sunday PinaSaya.

Pahayag ni Jolina, “Hindi kasi ako sa ratings, e.

“At saka in fairness, eto ha, may kanya-kanyang appeal.

“May appeal ang Sunday PinaSaya, may appeal ang ASAP

“At saka kapag ako nag-a-ASAP, yung ASAP lang ang naiisip ko...

“Talagang ang saya ko lang kapag magkakasama kami, like, nasa isang bus kami, alam mong ang mga kasama mo, sobrang ang ha-humble. 

“Dekalidad ang mga talento, Pinoy pride, kasi talagang globally kilala sila.

“Yun ang iniisip ko, hindi dahil may katapat na show.”

Dagdag pa niya, “Kasi alam ko na may appeal din ang Sunday PinaSaya, e. Meron silang market nila.

“Kung sa rating, hindi ko alam kung sino ba ang totoong nagri-rate.

“Pero one thing na alam ko, ang ipinapakita ng ASAP talaga ay quality entertainment—according sa mga tao, ha. 

“Hindi kami nagbubuhat ng bangko, pero according sa mga nababasa ko.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jolina noong Sabado, August 5, sa Gaisano Grand Mall, Bacolod City, kunsaan ay nag-show at nag-celebrity cashier siya para sa Super Twins Baby Pants Diapers.

ASAP IN CANADA. Speaking of ASAP, kagagaling lang nila sa Toronto, Canada, kung saan nagkaroon sila ng show roon.

Kuwento ni Jolina, “Ewan ko, parang pag may out-of-the-country ang ASAP, parang ang saya ko lang. 

“Tapos yung parang nagwi-wish ako na sana… kasi, every year nag-a-out-of-the-country, na sana kasama pa rin ang ‘LSS,’ ganun pa rin kabongga ang ‘LSS.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maganda talaga siya. Pero hindi rin magiging maganda yun kung hindi napapaganda ng ASAP.

“Ang galing din kasi ng treatment nila and very thankful ako.”

Ang “LSS” ang segment ni Jolina sa ASAP.

MAMSHIE JOLINA. Bukod sa ASAP, ang isa pang regular show ni Jolina sa ABS-CBN ay ang morning program na Magandang Buhay.

Dito sila nakilalang tatlo nina Karla Estrada at Melai Cantiveros bilang “Mamshies.”

Okey ba kay Jolina na “Mamshie” ang tawag sa kanya?

Tugon niya, “Mamshie? Oo, alam mong inyo, e. Alam mong kayo ang nag-start.

“At saka, yun na rin ang gusto kong iparamdam sa mga tao. 

“Di ba, open na rin naman ako sa Instagram ko na ang sarap maging mommy?

“Basta pagiging mommy, wala akong ‘Teka lang… parang iba pa rin or parang dapat dalaga pa rin.’ Hindi, e.

“Kung ibabalik man nila ang dati, pa-tribute na lang or pa-trivia.

“Pero kung sabihin nilang ile-level ako, hindi na. Mamshie na talaga.

“At saka kung kasama ko man sila, alam kong ate na nila ako or Mamshie na nila ako, kahit na alam kong mas matatangkad sila sa akin,” pagtukoy niya kina Karla at Melai.

MOVIE WITH MARVIN. Samantala, naghihintay lang daw si Jolina kung kailan matutuloy ang pagsasamahan nilang pelikula ni Marvin Agustin sa Star Cinema. 

Nakapag-story conference na raw sila para rito.

Sabi pa niya, “Basta comedy. Family comedy siya. 

“Pero ang alam ko, wala siyang connection sa iba naming ginawa.”

Pero tuloy raw na gagawin nila ito ni Marvin.

“Naghihintay lang kami, e.

“Pero ako, tuloy ang buhay.

“Kung wala, e, di tuloy ko ang buhay ko,” sabi ni Jolina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN