Jay Taruc differentiates Ride PH from previous show Motorcycle Diaries

IMAGE Noel Orsal

Ayon sa beteranong reporter na si Jay Taruc, ang pangunahing layunin ng kanyang bagong show na Ride PH ay ang safe motorcycle driving at ang pagpu-promote ng local moto-tourism.



Balik-telebisyon ang veteran journalist at motorcycle rider na si Jay Taruc via Ride PH sa GMA News TV.

Ang pinakahuling show ni Jay sa TV ay ang Motorcycle Diaries na tumakbo ng anim na taon sa ere at nagtapos nito lamang March 2017.

Ano nga ba ang pagkakaiba ng Ride PH sa Motorcycle Diaries?

Tugon ni Jay, “Maraming nagtatanong ano ba ito? Itutuloy lang ba? Basically, pareho lang siya pero mas naka-focus lang tayo ngayon sa motorcycle instead of diaries ‘no.

“Let’s say may mga bagong development sa industriya, may bagong motorsiklo… maraming riders, maraming aksidente, either napipilayan or namamatay, so I guess yung road safety will be our advocacy sa show.

“Bakit ko nasabi ‘to? 17 years na akong rider, e. I ride every day.”



Gusto daw ni Jay at ng mga taong nasa likod ng produksiyon ng kanilang show ay makatulong sila sa mga bago at datihan ng riders ng mga panuntunan sa safety motorcycle driving.

Dagdag pa ni Jay, “Yung statistika sa aksidente, gusto nating mag-offer ng tips. Meron tayong mga regular na proper riding position, ito yung mga dapat mong isuot. May mga paalala sa rider.

“At the same time, iku-cover namin yung local motorcycle culture, kasi ngayon ang sabi nila, ang industriya ay 40 percent each year ang growth.

“Ilang milyong bagong rider kada taon? Ilang bagong motorsiklo ang gumagala sa kalye nationwide?

“So, we want to cover the local motorcycle culture para lalong maintindihan. Kung hindi ka mahilig sa motorsiklo, mas maintindihan mo ngayon kung anong kultura meron tayo ngayon sa motorsiklo and I think malapit sa Pilipino din.”

Kahit marami daw balitang naaksidente sa pagmu-motor, kailangan lang daw ang kaunting ingat at kaalaman sa tamang pagda-drive.

Bukod rito, mas iiral daw ang practicality, lalo na ngayon na wala ng pinipiling oras ang traffic, pagtaas ng presyo ng gasolina at pamasahe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa rin daw sa tutukan ng Ride PH ang local tourism.

Aniya, “Tutulong din tayo sa local tourism kasi moto-tourism ay pinu-push din ng gobyerno.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang media si Jay nitong nakaraang Martes, August 8, sa presscon ng Ride PH na ginanap sa Oriental Restaurant, Quezon City.

Sinuportahan naman si Jay sa launching ng show ng mga kaibigan nito mula sa motoring world at mga kaibigan sa showbiz katulad nina Randy Santiago, Drew Arellano, Jamir Garcia ng Slapshock, at Onemig Bondoc.

Mapapanuod ang pilot episode ng Ride PH next Sunday, August 20, 10 P.M., sa GMA News TV.





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN