Bayani cites popular shows now: "Napunta naman sa mga series like Ang Probinsyano, Ika-6 Na Utos"

by Arniel C. Serato
Aug 12, 2017
Bayani Agbayani on the "dying era of sitcoms": "Kasi ganun talaga, e. Kanya-kanyang era 'yan, e."

Aminado ang komedyanteng si Bayani Agbayani na hindi na uso sa ngayon ang situational comedy (sitcom) sa primetime television.

Ilang taon na ang nakaraan, namamayagpag sa primetime television ang mga sitcoms sa lahat ng malalaking TV stations sa bansa.

Ayon kay Bayani, “Oo nga, kasi ganun talaga, e. Kanya-kanyang era ‘yan, e.

“Before di ba inabutan natin na lahat ng channels, lahat ng oras at lahat ng araw, may sitcom, comedy.

“Tapos napunta sa telenobela ng mga Mexican, Korean. Ngayon napunta naman sa mga series like Ang Probinsyano [ABS-CBN], Ika-6 Na Utos [GMA], ganun talaga ikot, e.

“Siyempre ang dasal naming [mga komedyante] sana dumating naman yung dati na comedy naman yung nasa primetime.”

Hindi naman daw negatibo ang naging hatid nito sa kanya at sa kapwa niya komedyante. Katunayan, marami sa kanila ang nakapasok sa mga teleserye sa primetime.

Dagdag pa ni Bayani, “Pero kahit na hindi pa dumating yun, may mga comedian naman na nakikita mo sa mga series, na parang breaker sila.

Continue reading below ↓

“Sila yung nagpapatawa dun sa mga malungkot na eksena sa bawat drama series.

“Okay naman kami, tingin ko nga na pinakamaraming comedian ngayon ang maraming trabaho itong taon na ito.

"Kasi nakikita ko nga sina Long [Mejia, Ang Probinsyano], sina Dennis [Padilla, La Luna Sangre], si Jeffrey Tam [Ang Probinsyano], sa kabila naman sa GMA lahat sila may trabaho dun.

“Ito ngang taon na ito ang nakikita na pinakamarami ang trabaho ng comedians.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa bloggers conference ng pelikulang Woke Up Like This last August 10 sa Valencia Events Place, Quezon City.

COLLABORATION. Ayon kay Bayani, si Vhong Navarro mismo na bida ng Woke Up Like This ang personal na tumawag sa kanya para mapasali sa pelikula.

Nag-usap daw sila na panahon na daw na silang mga komedyante mismo ang magtutulungan para lahat ay may trabaho.

Samantala, ipaplabas na ang Woke Up Like This sa mga sinehan sa darating na August 23.

Continue reading below ↓

Read Next
Read More Stories About
Bayani Agbayani
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bayani Agbayani on the "dying era of sitcoms": "Kasi ganun talaga, e. Kanya-kanyang era 'yan, e."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results