Dingdong Dantes cracks jokes about special training for Alyas Robin Hood 2



Ngayong Lunes, August 14, ang muling pagbabalik ni Dingdong Dantes bilang si Pepe sa Alyas Robin Hood 2 o ARH.

Mas matindi rin daw ang mga action scenes ngayon, pero biro ang sagot ni Dingdong nang tanungin kung may ginawa ba siyang ibang training para paghandaan ito.
 
“Yung training ko nag-aalaga ng bata,” aniya, na ang tinutukoy ay ang anak nila ni Marian Rivera na si Baby Zia.

“Kasi nagtatatakbo na siya. Kapag binitawan ko kailangan mo nang mag-sprint para habulin siya.”

Isa sa pinaka-matagumpay na primetime series ng GMA-7 ang unang installment ng Alyas Robin Hood.

Kung may pressure na pantayan or higitan pa nila ito, handa naman daw si Dingdong.

“Palagi namang may ganun dapat, yung pressure sa amin bilang artista.

“Siguro iba yung pressure sa production, pero ako, I can speak as an actor.

“One is to maintain kung ano ang character, kung ano ang pagganap kay Pepe.

“At the same time, it’s also a challenge na bigyan ng bago ang audience.

“In terms of complexity ng kanyang character, kanyang mga problema, so challenge para sa akin yun.

“Kapag may challenge, siyempre, mas tumitindi ang pressure and we welcome that.”
 
Ayon pa kay Dingdong, mas maganda raw na nagkaroon sila ng pahinga kaysa nagtuluy-tuloy ang teleserye. Diskarte raw iyon ng network.

"Para, siyempre, magkaroon ng konting pananabik at saka para mas mapaghandaan.
 
“Kung itutuloy mo yun, kailangan mas ido-double up mo yung susunod na ipapakita mo and you need more time for it.”
 
Dugtong pa niya, “Ang maganda sa amin, nagku-collaborate kami ng director, ng producer, and especially our writer na si Aloy Adlawan. 

“Kasi sobrang malapit na yung istorya at mga characters,  puwede kaming mag-usap ano kaya ang magandang puntahan.

“Ako ang mas concern ko ay yung character ni Pepe at kung ano ang pupuntahan.
 
“Pero siyempre, we’re taking the leads from our creatives, at sobrang happy ako sa lahat ng ibinibigay sa akin.”
 
Ano-ano pa ang mga bago na maaaring mapanood ng tao sa book 2 ng Alyas Robin Hood?
 
“Sa umpisa, tanggap na niya na wala na siyang tatay, tinalikuran na niya ang pagiging Alyas Robin Hood. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So naging full-time na PAO siya, Public Attorney’s Office, in-embrace niya na yun.
 
“He takes life not seriously, masyado siyang palatawa, kalog, ganun siya.”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN