Daniel Padilla reacts to comparisons with ABS-CBN Primetime King Coco Martin

Daniel Padilla (right) comments on comparisons with ABS-CBN Primetime King Coco Martin (left) who is the lead actor of FPJ's Ang Probinsyano. 


Naging mainit at matindi ang labanang Team Gerald at Team Daniel sa Star Magic OPPO All Star Game na ginanap sa Smart Araneta Coliseum noong Sunday, August 13, 2017.

Sa simula pa lang ay lumamang na ang team na pinangunahan ni Gerald Anderson na pilit namang hinahabol ng team na nasa ilalim ni Daniel Padilla.

Ngunit hindi naglaon ay ang Team Gerald ang itinanghal na panalo sa score na 93-90. Matapos ang laro ay nakapanayam ng ilang members of the press si Daniel tungkol sa kanilang laro.

Daniel: “Sobrang intense ng laro namin. The whole game medyo naghahabol kami, bandang huli, medyokinulang, pero at the end of the day ang importante ay nag-enjoy yung mga fans at nagkaroon ng thrill yung laro. Hindi naman kasi natin alam kung sino mananalo talaga, e, okay lang, enjoy naman kaming lahat, e.”

Anong preparation ang ginawa ng Team Daniel para sa larong ito?

Daniel: “Siyempre nag-training kami pero siyempre medyo kinulang din sa training dahil may mga trabaho kami. Last year kami nanalo, sila naman ngayon, so, 1-1 kami, ibig sabihin may isa pang laro to break the tie, babawi kami, susubukan namin.”

Paano mo nama-manage ang time mo sa kabila ng trabaho at may time ka pa for sports? How often do you play basketball?

Daniel: “Hindi ko nga rin alam, e! (sabay tawa) Yung basketball kasi lagi yang may time para sa akin. Nagagawa ko naman ang basketball tuwing weekend kasi adik din sa basketball yung utol ko, kaya lagi rin akong naisasama. Eto na rin yung pinaka-exercise ko at yung martial arts.”

Tungkol naman sa La Luna Sangre, marami ang pumupuna sa short hair ni Kathryn, anong masasabi mo dun sa mga puna ng mga nanunuod ng La Luna Sangre?

Daniel: “Alam niyo ba yung buhok na yun? Gusto kong sabihin sa inyo na hindi madali yung ginagawa ni Kathryn para sa buhok na yun. From 7 AM to to 2 AM sinusuot niya yun, bine-braid yung buhok niyang original ng sobrang higpit tapos igu-glue yung wig na yun sa ulo niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam niyo ba yung sobrang stressful ng feeling na yun. Ako nga nung lagyan ako ng bigote, pinatanggal ko agad dahil nangati yung bunganga ko, e.

"Si Kathryn, araw-araw niyang suot ang wig na yun, imaginin niyo yung init ng panahon ngayon tapos lagi pa kaming nasa labas. Iba talaga yung passion na ibinibigay ni Kathryn sa La Luna Sangre. Ibang pagmamahal sa trabaho niya. Saludo ako sa kanya!”

Sinasabing ikaw daw ang next primetime king dahil sa taas ng ratings ng La Luna Sangre sa Kantar at sa AGB Nielsen. Ikinukumpara ka kay Coco Martin, ang bida ng FPJ's Ang Probinsyano. Anong reaction mo dito?

Daniel: “Ano ba naman yung ginagawa ni Coco na FPJ’s Ang Probinsyano, malupit talaga, naka ilang taon na sila, samantalang kami ilang buwan pa lang kaya huwag niyo kaming ikumparang dalawa. Tropa kami!”

(Read: Can Daniel Padilla beat Coco Martin as ABS-CBN Primetime King?)


Nagkaroon ng blogcon kamakailan ang mga international fight director ng La Luna Sangre na sina Wang Yang Bin at Lester Pimentel. Nagbigay ng magandang comment ang dalawang direktor sa pagiging fast learner mo. Anong comment mo dun?

Daniel: “Marami pa akong dapat matutunan sa martial arts, sa ginagawa namin sa La Luna Sangre, marami pa akong dapat pag-aralang galaw. Wala! Hindi pa ako malapit sa magaling, marami pa akong dapat praktisin, may igagaling pa tayo.”





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN