Ian Veneracion expressed fear about being paired with Bea Alonzo: "Baka sabihin nila DOM ako."

Aside from his showbiz success, Ian Veneracion is also grateful for his endorsements.



Hindi pa rin daw makapaniwala hanggang ngayon si Ian Veneracion na magki-click sa mga tao ang tambalan nila ni Bea Alonzo.

Ang dalawa ay kilala bilang “TonDeng” mula sa mga karakter nilang sina Anton at Andeng sa pinagbibidahan nilang ABS-CBN primetime teleseryeng A Love To Last.

Ngunit hindi raw kumportable si Ian noong simula.

Aniya, “Ako noong una, medyo na-awkward ako.

“Sabi ko, hindi ba masyadong bata si Bea para sa akin, baka sabihin nila DOM ako.

“So, siyempre, ako, medyo naiilang noong una.

“I’m just happy that Bea accepted it and gave it a chance.

“Thankful ako that sina Ma’am Charo [Santos-Concio] and Ma’am Malou [Santos] believed in me and gave me the role.

“Tapos yun nga, nag-click naman at kinapitan naman ng mga tao,” sabi ni Ian.

What’s the best thing about Bea?

“She’s really easy to work with.

“At saka yun nga, hindi mo mape-fake kasi e pag tinitignan mo yung isa tao na pwede mong mahalin.

“With Bea, napakadali niyang mahalin e.

“She’s really nice and super beautiful.

“It really makes my job easy,” dagdag ni Ian.

Thankful din ang aktor na patuloy pang pinapalabas ang A Love To Last, at ngayon ay mahigit sa pitong buwan na ito sa ere.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ian sa appreciation lunch at presscon para sa kanya na inorganisa ng Unilab. Ito ay para sa ineendorso niyang multivitamins brand na Conzace. Ginanap ito noong Agosto 10 sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

MORE “POGI POINTS.” Feeling blessed din si Ian dahil bukod sa kanyang magagandang projects, nabibiyayaan din siya ng mga endorsements.

“I’m just grateful that the trust of the audience as an actor sa akin now extends to brand endorsements,” lahad niya.

“So, I’m honored to be part of the Unilab family specifically for its multivitamins brand Conzace.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Because of this prestigious company, and because of its reputation, siyempre laking pogi points din sa akin nun. “So, I’m happy to be part of this family,” sabi ni Ian.

Ayon kay Conzace assistant product manager Mike Jimenez, perfect match si Ian sa kanilang brand.

“Ian is the epitome of superior immunity and good looks,” aniya.

Dagdag pa ni Ian, kailangan niya talaga ng multivitamins and minerals para makatagal sa puyatang tapings ng A Love To Last, at para maka-cope sa demands ng iba pa niyang activities in and out of showbiz lalo na sa pakikipag-bonding niya sa kanyang pamilya.

“I need strong immunity as well as healthy skin and hair. I cannot afford to get sick and look stressed. I am glad I have Conzace to give me all that and more,” dagdag pa ni Ian.

LIFE BEGINS AT 40. Naniniwala rin ang 42-year-old actor sa kasabihang “Life begins at 40.”

Nang tumuntong daw siya sa edad na 40, marami raw blessings at magagandang nangyari sa kaniyang personal na buhay at career.

“I guess it’s true when they say, ‘Life begins at 40,’” pahayag ng aktor.

“Because yun nga, ang laking blessing sa akin career-wise.

"And not only that, also with my family life, my personal life.

“I really believe that age is an advantage."

Kuwento pa ni Ian, “If I compare myself to the 31-year-old version of me, siyempre as an actor, as a person, as a husband, as a father, I know so much more now than I did when I was 31.”

Isa nga sa na-maintain ni Ian through the years ang kanyang kaguwapuhan.

Patuloy na hinahangaan at kinagigiliwan ang kanyang looks—mula sa pagiging cute na child actor hanggang sa pagiging isa sa most handome actors sa industry .

Kailan niya na-realize na guwapo siya?

“Kapag may mga nagpapa-picture na mga titas at mommies.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos may isang teenager na nagpa-picture sabi niya, ‘Crush ka ng lola ko, pati mommy ko.’

A, okay. Siyempre nakaka-flatter,” sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN