Kathryn and Daniel go viral for sharing bed in La Luna Sangre

Kathryn Bernardo is thankful to training directors for helping her and love team Daniel Padilla manage the action sequences in La Luna Sangre.



Consistent hanggang sa ngayon ang high ratings ng La Luna Sangre ng ABS-CBN, na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Kaya naman masayang-masaya si Kathryn sa mainit na pagtanggap ng mga manonood sa kanilang teleserye.

“Kasi sobrang saya kasi yung everytime na nakikita namin yung ratings pag sine-send dun sa group, parang nababawi lahat ng pagod namin sa taping,” lahad niya.

“Masaya kami sa reactions ng mga tao na na-hook sa La Luna.

Dagdag pa niya,“Thank you very much.

“Ang dami pang mangyayari kaya abangan nila.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kathryn sa nakaraang Star Magic OPPO All-Star Game na noong nakaraang Linggo, August 13, na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.

COMMITTED TO DELIVER. Sa katunayan, pinuri ng kanila stunt directors sina Kathryn at Daniel.

Ayon sa Stunt360 directors, professional at mabilis daw matuto ang dalawa.

Ayon naman sa aktres, malaki ang utang na loob nila sa mga ito dahil sa tulong nila na magawa nang maayos at kapani-paniwala ang mga action scenes sa La luna Sangre.

Ano naman ang masasabi ni Kathryn sa kanilang stun directors?

“Ay naku kasi grabe sila, sila Direk AC and Direk Lester.

“Sobrang perfectionist sila sa lahat ng detalye, at hangga’t maaari, sana di mo madala yung fight scenes,” kuwento ng dilag.

“Yung buong team ng Stunt360, ang dami naming natutunan sa lahat ng stunts.

“Thankful kami na may mga tao na nandiyan at ginagabayan kami.

“Bago sa amin ito kaya kailangan talaga namin ng mga tamang tao na gagabay sa amin.”

Dahil sa positibong feedback sa ginagawa nilang action scenes sa La Luna, bukas si Kathryn na gumawa ng iba pang action projects kung mabibigyan sila ng pagkakataon.

“Yeah, we’d love to do more action kung mabigyan ng pagkakataon,” aniya.

“Mahirap siya, pero nae-enjoy namin ni DJ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pag napanood mo parang wala, iba.

“Yeah, if ever I’m very open to that.”


KATHNIEL IN ONE BED. Sa recent episode ng La Luna Sangre, naging viral ang eksena ng rumored couple na sina Kathryn at Daniel dahil nagtabi sila sa kama.

Dapat ay sa sahig matutulog si Miyo (karakter ni Kathryn) ngunit sinabihan siya ni Tristan (karakter ni Daniel) na:

"Pareho naman tayong lalaki. Sige na, Miyo." 

Dahil dito, natulog sila ng tabi at may punto pa na nayakap ni Tristan si Miyo sa kama.








WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN