Encantadia star Mikee Quintos shares realization about acting: "Oh my god, there's more to fame!"

IMAGE Noel Orsal

Mikee Quintos is excited to work with New York City-based acting coach Anthony Vincent Bova who will teach them the Eric Morris system.


Excited ang former Encantadia star na Mikee Quintos dahil sasabak sila sa three-day acting training mula sa New York City-based coach na si Anthony Vincent Bova.

Si Anthony ay isang kilalang theater performer at ang kaisa-isang instructor na inendorso ng American acting teacher and actor Eric Morris na magturo ng "Eric Morris System of Acting." 

Kasama si Mikee at kapwa Kapuso stars na sina Joyce Ching at Gil Cuerva na naimbitahan sa press conference ng kanilang workshop sa pamumunuan ng GMA Artist Center at Laurice Guillen Actors Studio nitong Lunes, August 14, sa GMA Network Center sa Quezon City.

Pahayag ni Mikee, "Super excited siyempre, may mga napili rin na participants... some of us will be auditors, and then yung iba magpaparticipate ng one-on-one.

"Sa ikli ng time, hindi lahat ng napiling artists na makakapag-participate sa workshop, hindi sila lahat maha-hot seat. 

"Most of us kasi we have the background na, like bago kami masalang sa kahit anong show, meron kaming dinadaanan na 10-day workshop. Lahat yan may artist training.

"This time, yung ginagawa namin dun sa training, mga 8 or 10 people per class, dalawa kasi yun may panghapon din... I feel so lucky lang na first hand, si Anthony, yung magtuturo sa amin."

Alam ni Mikee ang importansya na patuloy na may natututunan ang mga artistang kagaya niya.

Paliwanag ng aktres, "Madaling madala sa fame, ma-excite ka dun, mabulag ka, [and] mawala yung reason kung bakit mo ba 'to ginagawa? Magandang foundation is yung love mo for the craft hindi yung, 'Ay gusto ko sumikat, e!'"

ERIC MORRIS TECHNIQUE. Bago pa sumalang bilang Lira si Mikee sa Encantadia, nagkaroon muna ito ng acting workshop noong October 2015 sa pamumuno ni Yani Yuzon.

"Nung nag-start yun parang, 'Okay, game na ako!' Walang part sa akin na na-sad dahil wala pa akong show, ganun. Just preparing myself sa craft, sa gagawin kong trabaho. Yun yung nagpa-keep sane sa akin, yung acting workshop namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang acting system rin daw na ito ang nagbigay ng motivation kay Mikee na ituloy ang kanyang pag-aartista.

Kwento ni Mikee, "Nung first time kasi na inintroduce sa akin yung Eric Morris method, yung technique niya, I can honestly say na dun ako na-in love sa acting mismo.

"Dun ako na-excite sa trabaho na, 'Oh my god, there's more to fame! Everything about it, yung hirap!' As in lagi kong sinasabi sa sarili ko nun ang daming gustong mag-artista, hindi nila alam na ganito pala kahirap."

Malaki raw ang naitulong ng Eric Morris technique kay Mikee hindi lang sa kanyang passion for acting kundi maging sa kanyang personalidad.

Aniya, "Like Bova said, it's truth, e. Yung trabaho namin is very personal, yung mga iyak, yung mga pain, yung mga ginagamit namin na emosyon sa mga eksena, galing yun sa mga personal experiences namin.

"Dito kami matututo kung paano gamitin yun in a way that can help us sa work namin."

Dagdag pa ni Mikee, "Kapag gumaling ka, habang natututunan mo yung mismong methods niya, mas nakikilala mo yung sarili mo and you learn to be a better person din."

Ang Encantadia co-star nito na si Ana Feleo na isa sa mga naunang estudyante ni Anthony ay tumutulong din sa mga Kapuso stars na ibahagi ang Eric Morris technique.

"First time ko siya maka-trabaho ever sa Encantadia. Since may background nga siya sa Eric Morris technique kasi teacher nga siya di ba?

"It was easy for us like may isang scene kami na kailangan ko umiyak, tiningnan ko lang yung mata niya 'tapos [tumango] lang ako, nag-nod lang ako 'tapos na-feel niya na yun na kailangan ko ng tulong.

"Binigay niya lang yung kamay niya sa akin, 'tapos hinawakan ko lang yung kamay niya 'tapos naiyak na ako."




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN