Eula Valdes and Jean Garcia to reunite in "All About Eve"

by Dinno Erece
Sep 30, 2008
Award-winning actresses Eula Valdes (left) and Jean Garcia (right) will soon be seen together again in GMA-7's upcoming primetime series All About Eve, an adaptation of a hit Koreanovela.

Inilabas na ng GMA-7 ang upcoming primetime soaps nila para sa susunod na taon. Kasama rito ang Zorro ni Richard Gutierrez, Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, at All About Eve nina Sunshine Dizon at Iza Calzado. (Click here to read related article.)

Ang hindi nabanggit, hindi lang sina Sunshine at Iza ang muling magsasabong sa nabiling Koreanovela ng GMA-7 na para sa isang taon kundi ang muli ring pagtatagpo nina Jean Garcia at Eula Valdes.

Continue reading below ↓

Sumikat ang tambalang Jean at Eula noon sa ABS-CN soap opera na Pangako Sa 'Yo nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa bilang sina Claudia Buenavista at Amor Powers, respectively. Noong natapos ang soap, si Jean ang unang lumipat sa GMA-7, una sa Majika nina Angel Locsin at Dennis Trillo. Dito niya na rin pinag-artista ang kanyang anak na si Jennica Garcia sa Impostora.

Itong taon lang lumipat si Eula sa Kapuso sa Kamandag ni Richard Gutierrez.

Bago ang All About Eve, mapapanood muna si Jean sa Gagambino ni Dennis at si Eula naman sa La Lola nina JC de Vera at Rhian Ramos.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Award-winning actresses Eula Valdes (left) and Jean Garcia (right) will soon be seen together again in GMA-7's upcoming primetime series All About Eve, an adaptation of a hit Koreanovela.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results