What's next for Gil Cuerva after My Love from the Star?

IMAGE Noel Orsal

Gil Cuerva is an eager student seriously working on his acting chops. As he puts it, "Learning never stops at any point. I would like to hone my craft, get better, and absorb whatever I can."



May nararamdamang lungkot si Gil Cuerva sa pagtatapos ng kanyang GMA-7 primetime series na My Love From the Star katambal si Jennylyn Mercado.

Kauna-unahan niya itong proyekto sa telebisyon at nagsilbing entry point niya sa showbiz.
 
Ayon kay Gil, “Siyempre po, nami-miss ko ang taping, nami-miss ko na kasama ang cast namin, everybody.

“Si Direk Joyce [Bernal],  I miss working with them, it was a tremendous experience for me.
 
“But right now, focus ako on what’s next, what I can do. 

“Ito ngang workshop namin… I would like to hone my craft, get better, and absorb whatever I can.”
 
Nakapagsimula na nga si Gil at iba pang GMAAC stars ng intensive training sa method acting under Anthony Vincent Bova, isang professional acting teacher sa New York.

Ayon kay Gil, siya raw ang personal na nakiusap sa management na hayaan muna siyang makapag-training bago bigyan ng bagong project.
 
“They agreed and they actually supported yung decision ko na mag-workshop muna.
 
“So hayun, nagwu-workshop muna ko, 46 na artista po kami na magwu-workshop. 

“Yung iba, may experience na po talaga, learning never stops po at any point. 
 
“You can be a Best Actor, and still learn. 

“And you could be like me, I have a lot to learn, and excited ako.”

PREPPING UP. Nakilala at narinig na nga raw ni Gil magsalita si Anthony Vincent na rekomendado mismo ni Eric Morris, kilalang acting guru at disciple ni Lee Strasberg.

Mas lalo raw ginanahan si Gil, “It actually entices me more..
 
“We wouldn’t want yung basta-basta mag-i-instruct ng method. 

“He’s very experienced, respected,  well-known instructor of the method. 
 
“GMA has full trust in him; the way he will instruct us and help us become better actors, it’s positive.”
 
Mga ilang buwan daw ang ibinibigay ni Gil sa sarili niya para ma-improve pa niya ang pag-arte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At maging sa katawan niya, gusto raw niyang magpalaki pa ng konti.
 
Aniya, “I’ll just probably groom myself para sa next project, to better prepare myself.

“Para when the next project comes, ready na lahat.”
 
Sa kanyang long hair nakilala at nagustuhan ng mga tao si Gil.
 
At tila wala sa plano niya na ipagupit ito, base sa pakikipag-usap namin sa kanya sa ginanap na presscon ng GMAAC para ipakilala si Anthony Vincent Bova noong August 14.
 
Sabi niya, “Sa ngayon po wala pa namang sinasabi, medyo clear naman po na preference ko yung long hair.

“Pero if the role requires na kailangan kong magpagupit, gagawin ko po.
 
“Kasi when you’re accepting the role, you’re accepting the role. 

“Hindi ako magiging Gil Cuerva sa next role ko.

“If they need to cut my hair, open naman po ako.”

Nakilala si Gil bilang alien na si Matteo Domingo sa My Love From The Star, at ganuon nga raw siya nare-recognize ng mga tao sa ngayon.
 
Aniya, “Siguro po, habang wala po akong project, people will still know me as Matteo.
 
“Right now, it’s okay, siyempre, katatapos lang po ng show.
 
“The fact that they recognize me, it’s a good thing.
 
“But, hopefully, later on, as I develop myself as an actor, as a leading man, makikilala ako bilang si Gil Cuerva naman.”




Stories We Are Tracking

How did My Love From The Star finale fare in AGB ratings?
How did My Love From The Star finale fare in AGB ratings?


 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN