Edgar Allan Guzman: "Dito sa GMA, kumbaga mas malaki yung halaga ko."

IMAGE Noel Orsal

Edgar Allan Guzman feels that, "Dito sa GMA, kumbaga mas malaki yung halaga ko." However, he adds: "Thankful din naman ako sa Kapatid Network saka sa Kapamilya, for giving me opportunities na talagang hinahangad din ng ibang artista."


Sa My Korean Jagiya ng GMA-7 ay gaganap si Edgar Allan Guzman bilang si Ryan Alba.

Ang karakter niya ay boyfriend ni Guadalupe Immaculada Asuncion or Gia na gagampanan ng female lead na si Heart Evangelista.

Manlolokong boyfriend si Ryan, at iibig si Gia kay Alexander Lee na gaganap bilang male lead character na si Kim Jun Ho."

Tinanong namin si Edgar Allan kung paano maging girlfriend ang isang Heart Evangelista sa isang teleserye.

“Siyempre dati pinapanood ko lang din siya, first time ko siya makatrabaho, primetime pa, so ang sarap sa feeling.

"Kumbaga, dati pinapanood ko lang siya nung hindi pa ako artista, tapos ngayon katrabaho ko na, ka-eksena ko na, so na-excite ako bigla nung sinabi sa akin na si Heart.”

May kissing scene ba sila ni Heart sa My Korean Jagiya?

“Wala, wala pa, dapat meron pero hindi natuloy kasi nga hindi ko naman siya talaga mahal dito [sa istorya ng My Korean Jagiya].”

Kung sakaling matutuloy ang kissing scene nila ni Heart, hindi ba siya natatakot sa mister ni Heart na si Senator Chiz Escudero?

“Ah, trabaho lang naman po, e! Trabaho lang, trabaho lang.

"Nagiging professional lang tayo sa mga bagay-bagay, so trabaho lang.”

Nakausap namin si EA (Edgar Allan) sa presscon ng My Korean Jagiya sa K-Pub BBQ sa Trinoma sa Quezon City.

Unang big project ni EA sa GMA ang My Korean Jagiya na mapapanood na simula Lunes, August 21, sa direksyon ni Mark Reyes.

“Primetime pa, kaya nung in-offer nila sa akin hindi na ako nagdalawang-isip kasi kumbaga first time ko lang din makagawa ng isang primetime sa isang big network so bakit ko pa sasayangin.”

Managed by Noel Ferrer, walang kontrata sa anumang TV network si EA.

“Ako naman kung saan may trabaho, doon, e. Dito sa GMA, kumbaga mas malaki yung halaga ko, nakikita kong mas malaki yung halaga ko and… well thankful din naman ako sa Kapatid Network saka sa Kapamilya, for giving me opportunities na talagang hinahangad din ng ibang artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So hindi ko naman tinatapos na dito na ako. Ako kung saan may trabaho, kung saan may magandang opportunities na maipapakita ko at maise-share ko yung talent ko, doon po ako.”

Bakit niya nasabing mas malaki ang halaga niya sa GMA-7?

“Dito kasi, iyon ang offer agad nila is primetime, dito rin ako nagsimula although sa TAPE [Inc.] siya, APT [Entertainment, Inc.] siya pero Kapuso pa rin. So itong pagbabalik ko, kumbaga balik-Kapuso, balik-bahay, balik-loob para sa mga Kapuso.”

Nagsimula si EA noong manalo siyang Mr. Pogi sa Eat Bulaga! noong 2006.

Kumusta ang unang araw niya ng taping bilang isang nagbabalik na Kapuso?

“Ah okay naman, naging mainit naman ang pagtanggap nila, naging maasikaso naman sila sa akin, sa first taping ko, inasikaso naman nila ako, tinrato naman nila ako bilang talagang isang Kapuso.

“So ang sarap lang sa feeling na bago yung gagalawan mo ulit, bago yung ambiance mo, bago yung mga katrabaho mo, so dun ako na-excite lalo.”

Ang huli niyang show sa GMA bago itong My Korean Jagiya ay ang Daisy Siete noong 2008.

Kapag inalok siya ng network contract ng GMA pagkatapos ng My Korean Jagiya?

“Siyempre isang karangalan po! Kumbaga pangarap ko yun, magkaroon ng isang network contract. Siyempre hindi naman tayo hi-hindi. Kumbaga, bukas yung palad ko na tatanggapin yun, di ba?

“Kumbaga isang karangalan na pagkatiwalaan ka ng isang big network like GMA na bigyan ng kontrata.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN