Katrina Halili on the best part of being a loyal Kapuso: "May puso ang bawat katrabaho."

IMAGE Rommel Gonzales

Katrina Halili explains why she has remained a loyal Kapuso for the past fourteen years: "Siyempre iyon yung unang-una, gusto nila akong bigyan ng trabaho. Siyempre sino ba naman ako, na bakit ako hihindi, ito yung pinaggalingan ko. And hindi naman ako napabayaan, so okay lang din naman."


Maituturing na isang solid at loyal Kapuso si Katrina Halili dahil mula noong sumali siya sa Starstruck noong 2003 hanggang ngayong 2017 ay hindi siya lumilipat ng TV network.

Kaya tinanong namin si Katrina kung ano ang mga dahilan at nananatili siyang Kapuso.

Lahad niya, “Siyempre gusto pa rin nila akong bigyan ng trabaho.

“Siyempre iyon yung unang-una, gusto nila akong bigyan ng trabaho.

“Siyempre sino ba naman ako, na bakit ako hihindi, ito yung pinaggalingan ko.

“And hindi naman ako napabayaan, so okay lang din naman.”

Sa labing-apat na taon niya sa GMA, ano ang masasabi niyang best part of being a Kapuso?

“E, di may puso!

“Di ba? May puso ang bawat katrabaho.” diin niya.

PROUD MOM. Single mom si Katrina sa anak niyang si Katie na four years old na ngayon.

Ano ang pinakamasarap na parte ng pagiging single mom?

“Siyempre, yung buong pagmamahal ng anak ko.

“Natural, siyempre ako yung laging kasama, di ba?

“Tapos, happy kasi kapag pagod ka or ganyan, makita mo lang siya, happy ka na.

“Nakakawala talaga ng pagod.”

MAGPAKAILANMAN. Samantala, mapapanood si Katrina ngayong gabi sa Magpakailanman episode na pinamagatang “Kambal Na Pagmamahal: The Connie Guarino Story,” kasama sina Dion Ignacio at Ms. Gina Alajar.

Kasama rin dito sina Djanin Cruz, Leanne Bautista at Bryce Eusebio.

Ito ay mula sa direksyon ni L.A. Madridejos.

SINGLE BUT HAPPY. Limang taon nang walang karelasyon si Katrina.

Hirit niya, “Wala, wala talaga kahit date, wala!”

Masaya raw si Katrina kahit wala siyang boyfriend.

Paliwanag niya, “Siguro sa mga nangyari sa past, tapos siyempre may Katie na ako, ayokong magkamali ng relationship.

“Kasi dati. puro mali kasi lahat minamadali mo, lahat akala mo love.

“So ngayon naman sa kaka-antay ko naman ng true love, e wala pa,” at tumawa si Katrina.

“Pero ayoko kasing tumingin, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayoko, ayoko talaga.

“Ayoko nang magkamali, so gusto ko kung magkakaroon ako ng relationship, iyon na yun.”

Paano niya malalaman kung “he is the one?”

Pag-amin niya, “Hindi ko nga alam, e.”

Mabuti at nakakaya niya na limang taon na siyang walang karelasyon.

Pagmamalaki niya, “Kaya kailangan mong magdasal.

“Kasi kapag may God ka kaya mo lahat, kahit abutin ka pa ng isang dekada.

“Basta may God.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN