Ricky Davao reveals his peg when a scene needs: "kailangan kong tumalak-talak"

Ricky Davao (who's part of the cast of the new GMA-7 series My Korean Jagiya) on playing gay roles: "I still find it challenging. Hindi naman kasi iisa lang ang character ng mga gays, e. There's a variety of characters na puwede mong pag-eksperimentuhan. Hindi na typecast ang gay sa iisang character lang."


Malaking challenge pa rin para sa veteran actor and director na si Ricky Davao ang gumanap sa mga gay roles sa TV man o pelikula.

Tuwing may binibigay sa kanyang gay role, sinisiguro ni Ricky na magiging iba ito sa huling gay role na ginawa niya.

“Sa movies kasi, five times na akong gumanap na bading.

“I played gay sa Ang Lalake Sa Buhay Ni Selya, American Adobo, Bikini Open, Stray Cats: Mga Pusang Gala and Separados.

“Sa TV, maraming-maraming beses na akong gumanap na bading.

“I still find it challenging.

“Hindi naman kasi iisa lang ang character ng mga gays, e.

“There’s a variety of characters na puwede mong pag-eksperimentuhan.

“Hindi na typecast ang gay sa iisang character lang,” pahayag ni Ricky sa panayam niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng My Korean Jagiya sa K-Pub BBQ sa Trinoma Mall in Quezon City.

ACTING PEGS. Sa naturang primetime teleserye ng GMA-7, gaganap si Ricky bilang si Josie Asuncion, ang gay uncle ni Heart Evangelista-Escudero.

“Yung pagkabading ko naman dito ay hindi naman campy.

“Medyo may pagka-reserved ako dito—yung malumanay magsalita, pero kapag nae-excite or nagagalit, may pagka-OA naman ang reaction.

“Yung mga naging peg ko sa role ko as Josie is the late Cris Adalia.

“Si Inay Cris kasi, napakalambing magsalita at hindi mo siya makikitang nase-stress.

“Laging nakangiti. Yung babaeng-babae lang ang kilos niya.

“Yung isa pang peg ko si Direk Joel Lamangan.

“Kapag ang scene ko ay kailangan kong tumalak-talak, si Direk Joel ang ginagaya ko,” sabay tawa pa ni Ricky.

WORKING WITH JANICE. Ang kakaiba pa raw sa character niya as Josie ay magiging karibal niya ang kanyang gaganap na kapatid na si Janice de Belen sa iisang lalake.

“Si Janice kasi rito, nabiyuda siya agad.

“Kaya naghahanap din siya ng lalake na tulad ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagkataon na type namin ang iisang lalake.

“Kaya magkakaroon kami ng bonggang conflict dahil pag-aagawan namin ni Janice ang isang lalake na gagampanan ni Raymart Santiago.

“Masaya lang kaming lahat sa set kasi yung characters naming lahat dito, extremes, e.

“Kaya may mga scenes na maiingay kami, nag-aaway, nagsisisihan.

“The typical Pinoy family na magkakasama sa isang compound na nakikialam sa buhay ng mga kapitbahay nila na kamag-anak nila.”

K-POP FAN. Inamin ni Ricky na dahil daw kay Janice ay unti-unti na siyang nagiging K-Pop fan.

Natatawang pag-amin niya, “Konti na lang at mararating ko na ang level ni Janice sa pagkabaliw sa K-Pop!

“Kasi magkasama kami ni Janice sa iisang tent.

“So kapag break time namin, manonood kami ng Koreanovela.

“Na-hook na rin ako dahil kay Janice.

“Actually, may pinapanood kaming isang Koreanovela, nabitin lang kami kasi may presscon.

“Aware ako na magagaling ang mga Koreans when they make movies and series.

“Pero ngayon ko lang talaga sila na-appreciate.

“I’ve seen like two or three Korean movies at ang ganda.

“Pati nga itong mga series nila, magaling ang pagkakagawa kaya naman si Janice, adik na.

“Pati ako nahawa na pagiging adik niya!” patuloy pa pagtawa niya.

SIMILARITIES BETWEEN PINOY AND KOREAN PRODUCTIONS. Bilang director naman, nalaman ni Ricky mula sa mga co-stars nilang South Korean actors na halos pareho raw ang working situations ng mga Pinoy at mga Koreans kapag gumagawa sila ng series.

Lahad niya, “Pareho lang pala rin.

“Inaabot din sila ng 4 or 5 in the morning sa kaka-taping.

“Tayo rito, may mga cut-off, di ba?

“Sila wala raw. Tuluy-tuloy lang daw silang mag-work at wala silang reklamo.

“Pero kung ikukumpara mo naman ang bayad sa kanila compared sa atin, mas malaki ang bayad nila talaga.

“Kung tutuusin, mas spoiled pa raw kaming mga artista rito kasi may mga airconditioned tent kami. Sila raw wala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Most of their scenes naman ay sinu-shoot sa studio kaya may mga dressing rooms sila.

“Pero kapag on location sila, wala silang mga tent na tulad dito. They just stay in their cars or vans.

“Kaya nagulat sila kasi may tent na airconditioned sa location, may pagkain pa.

“In a way, na-culture shock din sila sa ginagawa naming trabaho dito.”

IMPRESSED WITH KOREAN ACTORS. Napuna rin ni Ricky na madaling katrabaho ang mga South Korean actors.

Kahit daw may language barrier, mabilis daw silang makasunod sa instructions ng director nila.

Kuwento niya, “Parang ang bilis lang nilang maka-pickup.

“I-explain lang sa kanila yung scene, alam na nila ang gagawin nila.

“Iba rin kasi ang training nila sa bansa nila. Kanya-kanyang style lang.

“May scene nga kami ni Michelle Oh na kukunan kasi aawayin ko siya rito.

“She plays the mother of Alexander Lee.

“Siya pa yung lumapit sa akin at sinabi niya, ‘You’re Tita Josie, right? You pull my hair.’ Sasabunutan ko kasi siya.

“Very cordial sila at madaling makatrabaho.

“Nakakatuwa lang kasi two different cultures ang nasa teleserye na ito tapos comedy pa. Kaya ang saya-saya lang.

“Si Heart pa lang ang nakaka-bonding nila nang matagal kasi nagkasama na sila noong mag-shoot sa South Korea.

“Lahat naman kami, we are looking forward na makilala pa sila nang husto.”

VACATION PLANS. Gusto raw munang magbakasyon ni Ricky pagkatapos ng My Korean Jagiya.

Matagal na raw niyang hindi nakakasama ang mga anak at apo niya.

Aniya, “Nagkasunod kasi ang trabaho natin.

“After directing Legally Blind, sumunod agad itong My Korean Jagiya.

“Kaya yung huling bakasyon ko with the kids ay noong Holy Week pa.

“Gusto ko naman makapag-out of the country with them.

“Sana after this teleserye, magbakasyon muna ako before I start with a new project to direct.

“We’re not getting any younger, di ba? Magbabawas na rin ako ng masyadong sunud-sunod na work.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Importante sa ngayon ay ang health natin at yung masaya ang taong nakakasama natin.”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN