Ryza picks her Top 3 weapons of choice in Ika-6 Na Utos; reacts to jologs tag


Punung puno ang U.P. Film Center sa dami ng mga nanuod sa re-edited version ng Ang Manananggal sa Unit 23B.

Matatandaang naipalabas na sa QCinema Film Festival ang nasabing pelikula nina Ryza Cenon at Martin Del Rosario, at talaga namang pinag-usapan ang mga maiinit na eksena nina Ryza at Cholo Barretto na magkasintahan na ngayon.

Masasabing ito na ang pinaka-daring na ginawa ni Ryza dahil sa kanyang masturbation scene na talaga naman daw kinailangan sa istorya kaya niya daw ito ginawa.

Hindi maipaliwanag ni Ryza ang kasiyahan sa dami ng dumalo sa kanilang advance screening na halos karamihan ay mga estudyante ng iba’t-ibang paaralan sa Metro Manila.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philiippine Entertainment Portal) si Ryza tungkol sa nasabing peilkula at nabanggit nya na marami daw tinanggal na eksena sa version ng QCinema at marami rin ang idinagdag.

Nag-focus daw ang istorya sa kanyang karakter bilang si Jewel at binawasan ang eksena ni Martin Del Rosario.

Sa una daw kasi ay pinakita pa ang back story ni Martin bilang si Nikko kung paano siiya naging brokenhearted, tinanggal na yun at nag focus na lang sila sa kung paano nagsimula ang love story nina Jewel at Nikko.

Isa pa raw sa kinaganda ng editing ngayon ay ang musical scoring na idinagdag sa pelikula para mas lalo itong naging kapana-panabik.
Maalala rin nating lahat na noong ginawa nina Ryza at Cholo ang kanilang love scene sa pelikulang ito ay hindi pa sila magkasintahan. Sa screening ng nasabing pelikula ay magkatabi ang dalawa sa upuan at sabay nilang pinapanuod ang eksenang iyon.

Natanong ng PEP.ph si Ryza kung ano ang reaksyon nila ni Cholo habang pinapanuod ang kanilang eksena.

“Hindi nawawala yung kaba ko, pero tinatawan na lang namin lalo na pag nakikita namin yung mga eksena namin together, kung ano ang mga back story ng mga yun, pinagkukwentuhan namin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayong magkasintahan na sina Ryza at Cholo at ngayon nila gagawin ang ganung eksena, papayag pa kayang gawin ni Ryza ang mainit na eksenang yun kasama si Cholo?

Ryza: “Parang hindi na, parang ang pangit tingnan, parang awkward na sa part ko.”

Magseselos kaya si Cholo kapag may ibang ka love scene si Ryza sa pelikula?

Ryza: “Hindi naman, kasi hindi siya ganun, e. Napaka supportive niya kasing tao, lagi lang siyang nandyan for support me all the time.”

Ano ang reaction ni Ryza sa pagbibigay ng commendation ng GMA CEO na si Atty. Felipe Gozon sa kanilang teleseryeng Ika-6 na Utos?

Ryza: “Nakakatuwa kasi, sobrang dami naming pinagdaanan sa scenes lalo na sa fight scenes, lalo na sa mga eksena naming sobrang intense. Ang sarap lang ng feeling na mayroon syang bunga na napansin yung pinaghirapan mo at napansin ang boss mo yung ng talent mo.”

Kung may positive comments siyempre hindi rin mawawala ang mga negative comments na marami ang nagasabi na medyo jologs daw ang inyong teleserye kasi laging may sabunutan at awayan sa Team Asawa at Team Kabit. Ano kaya ang reaksyon ni Ryza tungkol dito?

Ryza: “Wala kaming pakialam sa mga negative comments kasi it’s normal! Kasi hindi mo naman ma-pi-please lahat ng mga manunuod eh, hindi lahat magugustuhan ang ilang eksena, kasi may kani-kanila silang standards. Kung hindi kami pasado sa standards nila, it’s okay! Nirerespeto namin yun.”

Sa dinami-rami ng ginamit na weapons ni Ryza para atakihin si Sunshine sa kanilang confrontation scenes ano kaya ang top 3 weapons na paborito ni Ryza?

Ryza: “Yung isa yung nerf gun, sobrang nakakatuwa lang kasi kailangan naming hindi masaktan dahil buntis kami pareho that time, pero kailangan naming mag-fight scene, kaya nerf gun para hindi masakit kahit mag fight scene kami.

"Pangalawa yung balot, kasi connected siya sa manananggal na favorite na kinakain ni Jewel, at pangatlo yung recent lang ginamit ko, yung cupcake kasi ang sarap, e, kahit ilang beses mo siya ibato ay nalalasahan na masarap siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano bang eksena nila sa set behind-the-scene pagkatapos ng kanilang maiinit na fight scene, nag so-sorry ba sila sa isa’t-isa dahil hindi maiiwasang may nasaktan?

Ryza: “Sa fight scenes namin ni Sunshine, hindi naman maiiwasan na may nasasaktan, e, dahil minsan ay nadadala ka sa emotions mo, pero at the end of the day ay mag-so-sorry ka, e. Basta sa amin, trabaho lang siya at walang personalan.”

Kabilang ang Ang Manananggal sa Unit 23B sa 12 entries ng Pista ng Pelikulang Pilipino mula August 16-22, 2017 na mapapanood sa mga sinehan nationwide.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN