My Korean Jagiya star David Kim reveals encounter with Song-Song couple

IMAGE Noel Orsal

David Kim is happy to be working with his Pinoy co-stars in the GMA-7 series My Korean Jagiya, saying they are "humble" and "professional."



First time makatrabaho ng veteran South Korean actor na si David Kim ang mga Pinoy, at natuwa siya sa pagiging open at masayahin ng mga ito sa kanilang set.

Ikinalulugod din niya ang pagiging humble at professional ng mga Pinoy actors.

Si David ay kabilang sa Pinoy-Korean teleserye nina Heart Evangelista at former U-KISS member na si Alexander Lee, ang My Korean Jagiya.

Sa ginawang Facebook Live ni David noong nakaraang August 16 para sa promotion ng GMA-7 primetime teleserye, ni-reveal ng aktor na minsan na niyang nakasama sa isang show ang sikat na South Korean actress na si Song Hye Kyo.

Si Song Hye Kyo ang bida sa hit Koreanovela na Descendants of the Sun at iba pang sumikat na series gaya ng Full House at Autumn in My Heart.

Ayon sa interpreter ni David na si Sarang, nagkatrabaho raw sina David at Song Hye Kyo sa isang sitcom sa South Korea.

“Noong mas bata siya, he had a chance to work with Song Hye Kyo.

“Ka-partner niya actually in a sitcom.

“Part nung story nila doon sa sitcom... girlfriend niya si Song Hye Kyo doon, pero meron siyang ka-third party.

“Nahuli siya ni Song Hye Kyo, so pinalo siya.

“Meron daw eksenang ganun.

“He said, it was fun working with her.

“Napakabait daw na tao ni Song Hye Kyo, she's very approachable as well.”

Nakilala na rin daw ni David ang fiancé ni Song Hye Kyo na si Song Joong Ki na leading man ng aktres sa Descendants of the Sun.

Ayon pa sa interpreter: “Si Song Joong Ki naman, hindi pa niya nakatrabaho, pero he met him in a private gathering lang daw.

“Very tahimik, very down-to-earth daw, tapos okay na tao.

“Tapos para raw sa kanya, bagay na bagay daw yung dalawa, si Song Joong Ki and Song Hye Kyo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

INDUSTRY VETERAN. Higit na 18 years na sa show business si David Kim, at isa itong kilalang singer sa South Korea. Ang 35-year-old actor-singer ay kilala sa South Korea as Kim Jong-Wook.

Si David ang umawit ng theme song titled  “Only You” ng hit Koreanovela na We Got Married.

Nakapag-release si David ng apat na albums sa Korea since 2007. Ito ay ang Kim Jong Wook First, For A Long Time, One Fine Day, at Goodbye For Now.

Kabilang sa mga hit singles niya ay “Poor Love,” “Way Back Into Love,” “Going Against Fate,” at “If You Pretend.”

Nanalo siya ng award bilang singer sa Mnet Asian Music Awards noong 2008 as Best OST for “Fate Reverse.”

Lumabas na rin si David sa dalawang Koreanovelas titled Iris at The King Is In Love.  

Bago naging celebrity si David, nakapagtapos ito ng industrial engineering mula sa Konkuk University, at nakakuha pa siya ng post-graduate courses mula sa Kyung Hee University Graduate School of Communication sa Seoul.

Nag-serve din sa military si David noong 2009.

Sa My Korean Jagiya, gagampanan ni David ang role na Kim Jin-hu, ang nakakatandang kapatid ni Jun-ho na ginaganapan ni Alexander Lee.

Sa kuwento, aagawin ni Jin-hu ang Pinay girlfriend ni Jun-ho na si Cindy, na ginaganapan naman ni Valeen Montenegro.

Noong ma-comatose si Jun-ho, inihabilin nito ang kanyang anak na si Paolo Kim kay Jin-hu.

Kailangang hanapin ni Jin-hu sa Pilipinas ang kanyang pamangkin, at kailangan niya rin itong ihanap ng taga-pangalaga, na siya namang magiging trabaho ni Heart Evangelista-Escudero bilang si Gia.





David Kim plays Kim Ji-hu, who enters into a relationship with Valeen Montenegro's character Cindy in My Korean Jagiya



Stories We Are Tracking

How did My Korean Jagiya pilot fare in AGB ratings?
How did My Korean Jagiya pilot fare in AGB ratings?






WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN