Myrtle Sarrosa explains why she had to reshoot dramatic scene in La Luna Sangre

Myrtle Sarrosa was praised by Richard Gutierrez for her dramatic scene in La Luna Sangre. Unfortunately, she had to reshoot the scene.


Marami sa mga fans ni Myrtle Sarrosa ang nalungkot nang mamatay kamakailan ang karakter niya na si Therine sa teleseryeng La Luna Sangre.

Pinaliwanag naman ng ABS-CBN actress na maigsi lang talaga ang tatakbuhin ng karakter niya dito.

“Yung plan kasi nila sa La Luna parang sa Probinsyano, magche-change cast na rin sila after. Maigsi lang talaga ang role ko dun, tapos natuwa yata yung prod sa naging acting ko dun, inextend nila ako for two months tapos chinage nila yung role from a normal vampire bilang isa sa kanang kamay ni Richard sa kuwento. So kaya talagang nagpasalamat ako na binigyan nila ako ng opportunity na umarte.

Ibinahagi rin ni Myrtle kung ano ang pinakahindi niya makakalimutan na karanasan habang ginagawa ang primetime series.

“Yung pinaka di ko makakalimutan na experience sa La Luna ay yung last scene ko with Richard kasi na-take na namin siya, grabe, breakdown scene. Tapos nagsabi pa si Kuya Richard sa akin, for the first time in my life, may isang artista na iniidolo mo na nagsabi, 'ang husay mo sa mga dramatic scenes.'

"So na-touch talaga ako, na-flatter dun tapos bigla na lang nung na-take na namin yung scene, sabi sa amin ng direktor, si Direk GB [Sampedro] na, 'Myrtle, may problema pala tayo. Bawal palang umiyak ang isang bampira. Kasi bawal ngang mapawisan, bawal umiyak bilang wala ng masyadong emosyon.'

"Kailangan daw ulitin ng wala ng luha.

"Natawa na lang kami ni Kuya Richard. [Sabi niya] 'okay lang yun, may mga iba pa namang opportunities na darating.'”
















WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN