Here's why theater artist Myke Salomon accepted his first TV role

Rak of Aegis performer Myke Salomon (leftmost) is giving television a try. He has accepted the offer to be part of My Korean Jagiya. According to him, "This is a good new thing for me, okay naman sa akin mag-TV, ayoko lang mapuyat."



Pinakaunang TV acting gig ni Myke Salomon ang GMA-7 teleserye na My Korean Jagiya.

“It’s my first time,” pahayag ni Myke na unang nakilala bilang singer/DJ at modelo, “and I do a lot of musical theatre for PETA.”

Si Myke ang gumaganp bilang driver ng lead actor na si Alexander Lee at kay David Kim na gumaganap bilang kapatid ng karakter ni Alexander.

Sabi pa ni Myke, “Well, dati marami ng offers through Noel Ferrer pero sa schedule talaga siya, e.

“Parang, hindi ko mabitawan kaagad ang theater ‘cause I’m doing musical direction, and acting for theater.”

Theater nga daw ang love ni Myke, pero tinanggap din niya ang Pinoy-Korean teleserye.

Aniya, “So yung love ko nandun, pagka ma-break siya, ma-break yung ano.

“Ito medyo lumunok ako na, ‘Sige gawin natin,’ kasi  interesting.”

Dagdag pa ni Myke, “Well I’m thirty-three, maybe it’s time to just try new things again.

“This is a good new thing for me, okay naman sa akin mag-TV,” at tumawa ito, “ayoko lang mapuyat.”

Pero sa taping raw ng My Korean Jagiya ay hindi sila napupuyat dahlia mabilis raw magtrabaho ang direktor nito na si Mark Reyes.

“Ang ganda ng taping schedule niya, halos wala kaming hintay, tuluy-tuloy lang.

“Ang gaan sa tent, ang gaan ng crew,” ani Myke.

RAK OF AEGIS. Single si Myke pero noon ay pinag-usapan ang relasyon nila ni Ehra Madrigal, “Ah, ang tagal na nun!”

Marami ang nag-akala na sila na ang magkakatuluyan dahil umabot ng 11 years ang relationship nila bago sila nag-break noong 2014.

“Ganun talaga ang buhay,” at tumawa muli si Myke, tungkol na rin sa pinakuhili niyang karelasyon na tumagal nang dalawang taon.

Bakit wala pa siyang asawa o girlfriend, “Work muna, nandun naman ako, pero marami akong gustong gawin sa buhay.

“I have done my ultimate goal to make a really nice show, Rak Of Aegis!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“As a musician, and an actor, nagawa ko siya, nagawa ko siyang i-perform for around 300 performances.

“Naka-three hundred plus, nagawa namin iyon, milestone siya sa Philippine theater.

“Dun pa lang, mataba na ang puso ko parang… I just want to create new things.

“I dunno kung puwede akong mag-create ng film or ng series na revolutionary, I dunno, kung saan ito dalhin.

“Basta as an artist I just want to keep on creating, affecting people.  

“Magra-run ulit kami next year, feeling ko every year na yun... ang dami naming napasayang tao.” 

Noong 2004 ay sumali si Myke sa Mossimo Bikini Summit kung saan itinanghal siyang first runner-up at ang foreigner na si Marco Grazzini ang nanalo.

Doon ay rumampa at nag-pictorial si Myke suot lamang ang swimming trunks o underwear.

Ngayon ba ay ayaw na niyang magpa-sexy?

“Hindi naman, depende sa budget yan,” biro niya, “Hindi, depende kung kailangan, kung hindi naman kailangan.

“Siguro sa Instagram na lang, IG story,” at muling tumawa si Myke.


K-pop-pogi ng mga boys of #mykoreanjagiya Im the Driver of Jun ho and Ji Hu.. i drive them crazy

A post shared by mykesalomonFOOL (@mykesalomonfool) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN