Myrtle Sarrosa on possibility of transferring: "May inquiries kami for other networks but..."

IMAGE Mark Atienza

Myrtle Sarrosa is being courted by a cosplayer based in the United States.


Kinumpirma ni ex-Pinoy Big Brother Teen Edition grand winner Myrtle Sarrosa na naging bukas siya sa ideya na subukang lumipat sa ibang TV network.

Minsan nang nabalitang may balak si Myrtle na umalis sa Kapamilya network dahil sa hindi pag-usad ng kanyang career.

“Well, may mga inquiries ng ibang networks,” bungad ni Myrtle nang makausap namin sa renewal of her contract as Sister Sanitary Napkins endorser.

“Actually, may inquiries kami for other networks but we decided pa to stay pa ngayon sa, we decided to stay ngayon sa ABS-CBN.

“Kasi right after, right even before I graduated ang dami nilang binibigay na projects sa akin. Tapos never naman silang nagkulang sa akin ang ABS,” paliwanag ni Myrtle.

Hindi naman itinanggi ni Myrtle na happy ang lovelife niya ngayon.

“Wala po akong boyfriend ngayon, manliligaw po,” diin ng 22-year-old actress.

Siya ba yung direktor na nali-link sa kanya?

“Hindi po siya director,” paglilinaw niya. “Dalawang beses po kami nagkatrabaho kaya sobrang close naming. Pero no, hindi siya nanliligaw sa akin.

“Yung manliligaw ko po ngayon hndi po siya taga-showbiz and hindi rin po siya taga-industry.

“He’s a cosplayer sa ibang bansa, sa U.S.,” paglalarawan pa ni Myrtle.

Ang bago niyang manliligaw kaya ang dahilan at nabanggit niya na naisip niyang maging cosplayer sa ibang bansa?

“Kasi iba rin yung world ng cosplaying, e. Kais kapag pumunta ka sa ibang bansa nagko-cosplay ka sobrang ano rin siya, e, parang paga-artista rin but on a different kind. Mas hindi ko yung trip, e. Mas gusto ko po talaga mag-acting. So, yun.”

Dati na ba silang magkakilala ng suitor niya ngayon?

“Oo, six years ago pa,” pag-ayon ni Myrtle.

“Tapos hindi kami nagkita for the longest time. Pero gusto po naming i-keep sa sarili namin Tita kasi baka ma-jinx kasi kapag kinukwento sa iba, e.”

Pinoy ba ang lalaking nanliligaw sa kanya?

“Yes, pero American citizen na siya,” tapos ni Myrtle.



Stories We Are Tracking

Myrtle had to reshoot dramatic scene in La Luna Sangre
Myrtle had to reshoot dramatic scene in La Luna Sangre
Why Richard Juan almost gave up his acting career
Why Richard Juan almost gave up his acting career




ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN